Twenty-one

2K 58 11
                                    

Tour

---♦♦♦---

TO AVOID his intense stare, I walked to the bed. It's all white and gold. So neat... like its owner. In fact, everything is white, much to my liking. There's just something in white that I love.

Maaliwalas ang buong kuwarto dahil sa malalaking bintana. The marbled floor reflected the sunlight passing through the large windows. At may chandelier ulit! Sa tapat nito ay ang mini sala, a large flat screen TV was pasted on the wall.

Pumasok ako sa malaking pinto. Banyo pala. This is way bigger than the one he got in his penthouse. Marbled floor din ang mayroon iyon. The golden lighting and painted white walls made it look like it was for royals. I got closer and noticed the bath tub at the far end of the room. My jaw dropped. It was a jacuzzi! May malaking flat screen TV sa dingding. Sa kabila naman ay ang shower room na may transparent glass wall. Lumapit ako sa lababo. While at it, I took the opportunity to wash my mouth. Kumpleto na ang mga gamit doon, lahat bago. May nakita akong toothbrush na charcoal at may naka-engrave na Dove in gold letters sa wooden handle nito. Hindi ko alam ang nagtulak sa akin pero nag-toothbrush na rin ako.

Pagkatapos ay muli kong nilibot ang banyo. Then- Heavens! There's another chandelier! It's elegantly hanging in the middle and I didn't notice it earlier.

Tulala akong lumabas roon. Dean was still standing where I left him. I turned to him. Nakasunod pa rin siya ng titig sa akin. He's waiting for my answer.

Tumalikod ako at napanguso. "Hindi ako sanay na may katabi sa pagtulog."

He chuckled. Napalingon ulit ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko. "Bakit?" nagtataka kong tanong. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako sa pagkabigla ngunit maagap niyang naipulupot ang braso sa aking bewang. He pulled me closer as if there's any distance to shorten. Now our lower extremities are almost touching. I put my hand on his chest to add a little distance between us so I could look up at him.

"Oh, little dove. Stop being so adorable," he whispered sweetly then a swift kiss on the lips followed. Para siguro rito kung bakit may nag-udyok sa akin na mag-toothbrush. "You don't know how many times we shared the bed."

Nakikipagtalo pa ako sa isip nang maintindihan ang sinabi niya. I hit him on the chest. Ngayon ko lang napagtantong matigas pala iyon. I shook the thought away forthwith. Hindi ko pa naman siya nakakatabi sa pagtulog! Well, maliban kanina nang mahimatay ako. Pero isang beses lang naman! Come to think of it, ako ang laging unang natutulog at siya naman ang unang nagigising. Nakikipagtalo ang isang parte ng aking isip. May sarili siyang kuwarto kaya imposible iyon.

"Sa ibang kuwarto na lang ako. I'm sure maraming kuwarto rito. Saka hindi ako sanay sa kuwartong maraming chandelier," saad ko. Umiwas ako ng tingin pagkasabi noon dahil nakita ang pagbabago sa kaniyang ekspresyon. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. And I felt ridiculous.

"You'll stay here with me," mariin niyang sabi.

Kumawala ako sa yakap niya. I took a few steps backwards until the edge of the bed touched my calves. Hindi ako puwedeng makipag-usap sa kaniya kapag masyado siyang malapit, my mind gets blank. Lalo na ngayon na may ipapakiusap ako sa kaniya.

Tinignan ko siya, mukhang okay na naman siya. Naalala ko ang naisip ko kanina. Gusto ko talagang i-request iyon sa kaniya. With fingers crossed, I said, "S-sige p-pero may r-request sana a-ako." I cringed at my stuttering.

"You want me to get rid of the chandeliers?"

Anong- I bit my lip. I'm getting frustrated. "Hindi."

Demon's ObsessionWhere stories live. Discover now