Thirteen

4.1K 108 11
                                    

Home

---♦♦♦---

HINDI pa sumisikat ang araw nang magmulat ako't tumulala sa kisame. Again, I tried to make myself believe that everything was just a dream. And just like my previous attempts, reality would slap me hard on the face.

"Breakfast's ready," he murmured while he gently caressed my cheek with the back of his hand.

Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kung hindi ang mga nasaktan niya. Ang pambubugbog kay Lance at ang pagpatay kay Jeoff.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at iniwas ang mukha sa kaniya. Ganoon nga ang nangyari maghapon. Pinagbuti ko ang pag-iwas sa kaniya. Kaya't konsensiya ko naman ang binabagabag sa tuwing makikita ko ang kabiguan sa kaniyang mga mata. Wala naman akong ibang magawa kundi ang umiwas ng tingin.

Hindi ko maiwasang matakot sa tuwing sumasagi sa aking isip na siya ang posibleng pumatay sa aking kaibigan. Hindi ko inaakalang may mas higit pa pala siyang kayang gawin pagkatapos ng pagpapabugbog niya kay Lance.

Ngunit sa kabila ng pagdududa, iba ang sinasabi ng isang bahagi ng aking utak. At hindi ako pinatatahimik niyon.

Masama ang manghusga. Lalung-lalo na ang mambintang. Alam ko iyon ngunit hindi ko napigilan ang aking sarili na mag-isip ng masama laban sa aking kapwa.

The internal debate went on that I didn't notice the time passing by. I was so busy arguing with myself when I caught a glimpse of a kitchenware's reflection, neatly placed beside a plate on the round table across the far end of the room. There were actually three plates of three different meals; breakfast, lunch, and snack. The foods were left untouched.

But now, I know and intend to do what's right.

With that thought in mind, later that evening, I silently obliged in him. Thankfully, he seemed to notice my conforming that he let me go out of the room I was locked in.

Tanging tunog lamang ng aking mga kubyertos ang maririnig sa tahimik na hapag. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya dahil doon ngunit agad ding umiwas nang makita siyang nakatitig sa akin.

"B-bakit hindi ka k-kumakain?" tanong ko nang mapansing wala pang laman ang kaniyang plato. Hindi siya sumagot. Sa halip ay dinagdagan niya ang nasa plato ko. Hindi ko na nagawang tumutol pa.

Gusto kong magtanong tulad ng kahapon. Ngunit hindi ko na mahanap ang lakas ng loob para muling gawin iyon. Pagkatapos ng mga nangyari, lalo lamang akong natakot sa kaniya.

Silently, I finished my food. I was just about to clear the table when he stopped me quickly.

"I don't want you tiring yourself." There wasn't romance in there. It was an order.

"P-pero wala naman kasi akong g-ginagawa rito," I murmured and let out a sigh. I wonder if I could ever talk straight in a conversation with him.

"Just stay in my reach. That's all you have to do."

Natahimik ako sa sinabi niya. Umatras na lamang ako. I quietly watched him put all the kitchenwares inside the dishwasher. I noticed the cut on his lips was no longer visible. It was healed already. I felt relief washed through me with the thought.

Nangalay ang aking leeg. Doon ko lamang napansin na kanina pa pala ako nakatingala sa kaniya. Sa tangkad niya kasi, kailangan ko pang tumingala sa kaniya sa tuwing kakausapin siya, nakatayo man o nakaupo.

Tumalikod ako sa kaniya at pumunta sa kuwarto saka pasimpleng hinilot ang aking batok. Napatigil lamang ako sa dilim na bumungad sa akin. Ngunit hindi ko na pinansin ang takot dahil ang aking mga mata ay nakatuon sa liwanag sa di kalayuan. Dahan-dahan ko itong nilapitan bago napagtantong ang liwanag ay nagmumula sa likod ng bahagyang nakabukas na kurtina.

I slowly parted the heavy drapes and revealed a picturesque  view. Nasa mataas na lugar pala kami. The cityscape was cluttered with the golden lights of skyscrapers and streetlights. The cold breeze of the night hit my face.

I sighed. Kahit papaano ay kumalma ang aking kalooban. Naalala ko bigla ang cafè. I didn't even know if I still have a job when I get back— or if I will be able to come back again.  Tinanggal na kaya ako ni Ma'am Leils? Siguro.

Sa malayong banda, nakita ko ang residential area na halos matakpan na ng nagtataasang mga gusali. Mas lalo lamang akong nalungkot nang maisip ang bahay namin. Since the accident which took away all my memories, I've learned to treasure every memory I make, even the least I could. At sa bagong buhay na aking sinimulan, malaki ang nagampanan ng bahay na iyon. It had witnessed how I was able to cope from the accident, my happy days with my parents and even my last day with them. I had experienced so much in that house that I couldn't move even when the grief from their death haunted me.

I looked upwards to the moon to stop my tears from falling. But they still fell down. Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang maramdaman ko ang pananakit ng aking leeg.

I flexed my head sideways and massaged my nape. Ngunit napaigtad ako nang maramdaman ang isang kamay sa gilid ng aking leeg. Natigilan ako. Dahan-dahang gumalaw ang kaniyang kamay at hindi ko maipagkakaila ang ginhawang hatid noon. Hindi ko namalayan na kusang bumaba ang aking mga kamay at nagpaubaya sa kaniya.

"Ah..." It was too late to stop the moan that escaped my lips. Doon ako nagising at napagtanto ang nangyayari. Natataranta akong lumayo at humarap sa taong nasa likod ko.

"A-ano s-salamat p-pero di mo na dapat... dapat..." Hindi ko alam kung anu-anong lumalabas sa bibig ko. Sa huli ay tinakpan ko na lamang ito para hindi na makapagsabi pa ng ikapapahamak ko.

Tumalikod na lamang ako sa kaniya at tumingin ulit sa mga ilaw ng siyudad. Bahagya akong napaigtad nang ikulong niya ako sa pagitan ng kaniyang mga bisig nang humawak siya sa railings ng veranda.

"Breathe, little dove," he whispered and I felt the chill up my spine.

Little dove...

And suddenly, I remembered it all. The letters, Lancelot, and Jeoffrey. Unconsciously, I jerked away from him. But I gasped as I was abruptly spun to face him. I looked at the man who's gripping my arms with a frown on his face.

"What are you thinking?" he asked.

Napakurap ako nang ilang beses. I could feel the tension in my body building up again. "H-ha?"

"Listen. I don't want you thinking about something else when you're with me. Am I clear?" may diin ang bawat salitang bigkas niya. Dala ng takot, napatango na lamang ako. "Good. Now, come here." He pat my head before pulling me into a hug. His hand was slowly stroking my hair when he murmured, "We could stay like this forever." We stayed like that until I couldn't feel the tension anymore.

"I wanna go home," I whispered out of the comfort I felt in his embrace— it just felt like...

"But this is your home, with me."

... home.

And we were both calmed down.

Demon's ObsessionWhere stories live. Discover now