Thirty-seven

5.3K 164 22
                                    

File

---♦♦♦---

EXACTLY two days have passed since I had my very first fruit pick. And a day has passed since Dean came running in and out of the toilet. Ngayon, tinititigan ko siyang matulog. Kababalik niya pa lamang galing sa opisina.

Dahil likas na madamot siya sa mga bagay na tungkol sa akin, diarrhea ang inabot niya. Overeating of mangoes. Imagine, inubos niya iyong halos kalahating basket ng mangga na pinitas namin kahapon ni Mileng. Alalang-alala nga si Mrs. De Micheli. Paano'y hindi naman mahilig sa mangga ang anak niya pero ito nga ang nangyari.

Ngayon, para siyang anghel na natutulog sa tabi ko. Bakas ang pagod sa mukha niya. He didn't get enough sleep last night. Kaya ngayon, ang himbing ng tulog niya. At dahil hindi naman ako makagalaw dahil sa braso niyang tila bakal na nakapulupot sa bewang ko, inabala ko na lang ang sarili ko sa paninitig sa kaniya. He has the face I would never get tired of staring at. Kahit na pati sa pagtulog parang ang sungit niya. I giggled at the thought.

Tinaas ko ang kamay at gamit ang dalawang daliri, pinaghiwalay ko ang magkakunot niyang mga kilay. "Are you having a bad dream?" I whispered. Inangat ko nang kaunti ang sarili para abutin ang kaniyang labi. It was just a smack.

There, may multo ng ngiti na sa kaniyang mga labi. "Good night," I said then a yawn followed. Slowly, my eyes closed too and I drifted off to sleep.

-♦-

"BAKIT NAMAN?" kunot-noo kong tanong kay Ate Lea. I took a handful of soaked almonds from the bowl. Nakataas din ang mga paa ko sa hanging chair na inuupuan ko kaharap ang malawak na swimming pool.

Napakamot siya ng ulo. "P-para po kasing galit siya. Please po, umakyat na lang kayo." There was fear in her eyes.

I sighed. Hindi na siguro talaga mawawala ang takot nila sa taong iyon. Tumayo na ako kasabay ng pagkuha ko sa bowl. Inabot ko iyon sa kaniya. "Sa iyo na lang po," sabi ko. "Sige na." Mas nilapit ko pa iyon sa kaniya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang kunin ito.

Balak ko sanang ubusin iyon habang tinatanaw itong bagong linis na pool. Pero dahil hindi ko na iyon magagawa, itong mga nasa kamay ko na lang ang kakainin ko. Besides, I think finishing the whole bowl is not good? I'll search that later.

I'm popping one after another in my mouth through the journey back to Dean's room. Dahil malaki itong Villa, by the time I reached his room, my hands were emptied too... or matakaw lang talaga ako. Either way, there are two realizations I made. First, sobrang laki ng Villa. How much more their mansion, aka the ‘main’ house? I can't imagine. And second, I think soaked almonds have just become my favorite snack.

Hindi nakalapat ang pinto kaya tinulak ko na lang iyon gamit ang braso. My hands are dirty anyway.

Pagpasok ko, seryosong si Dean na naka-upo sa kama ang bumungad sa akin. Lumapit muna ako sa sidetable para kumuha ng tissue. Habang nagpupunas ng kamay, lumapit ako sa kaniya.

Napatili pa ako nang hilahin niya ako paupo sa hita niya. Agad pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" I asked. Tumango lamang siya. "Galit ka?" Hindi pa rin siya sumagot. My eyes squinted. "Bakit?"

"You weren't by my side when I woke up," malamig niyang sabi. Sumubsob siya sa leeg ko. Napanguso ako. "I hate it," he whispered against the skin of my neck. I know, Dean.

"Wala ka bang pasok?" Tumango siya kaya kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa orasan at nakitang malapit nang mag-alas otso. "Late ka na."

Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. "I'm the boss, anyway."

Demon's ObsessionWhere stories live. Discover now