Fourteen

3.7K 91 10
                                    

Plan

---♦♦♦---

TULAD ng dati, hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. But this time, it's not out of fear that I'm not able to look him in the eyes; it's the humiliation.

Ilang araw na ang lumipas ngunit ganoon pa rin ang nararamdaman ko.

Nahihiya ako. Sa kaniya, sa sarili ko, at sa mga magulang kong binabantayan ako mula sa langit. Ano na lamang ang sasabihin nila sa akin? Paano ko nagawang magpayakap sa lalaking hindi ko kilala! Kahit nga pangalan niya ay hindi ko alam!

I washed my hands on my face out of frustration as I mentally slapped myself. What was I thinking? Siguro ay naiiling na lamang na nakatingin sina Mama at Papa sa akin, at kung posible ay nakurot na ako sa singit.

Sorry po, Mama... Papa.

Napatingin ako sa veranda nang mahawi ang kurtina nito kaya't pumasok ang nakapapasong init. Tanghali na ngunit hindi pa rin ako bumabangon. Kanina ko pa iniisip kung paano ko siya pakikitunguhan. Kagaya noong mga nakaraang araw.

What's the right thing to do?

"God, please guide me," I silently prayed.

I pulled myself out of the ever soft bed and was about to go to the bathroom when my eyes caught a plate covered in a cling wrap, seated on top of the table. The same table yesterday and the other days. The meals were placed there everyday, on the same spot, with the same plate and cutleries... that it's becoming a routine.

Naalala ko bigla ang apartment. Ganito rin ako tuwing umaga; didiretso sa banyo para maligo bago mag-almusal. Ang kaibahan nga lang, doon ay walang nakahandang almusal dahil ako ang maghahanda niyon para sa aking sarili.

Noong mga nakaraang araw, kapag ganitong oras ay narito na siya at tinitignan ang kalagayan ko. Hindi naman siya nagtatagal; siguro mga kalahating oras lamang ng paninitig at pagmatyag sa akin. Hihintayin niya akong matapos kumain. Pagkatapos ay bubuksan niya ang malaking flat screen TV saka siya aalis. Maybe he goes to work after. And when I'm left alone, I'd turn it off and let myself drown in thoughts.

But yesterday was a quite different day. He didn't come to this room, until the night.

Imbes na sa banyo, pumunta ako sa closet at kumuha ng damit. Mukhang matagal na talagang pinaghandaan ang pagdating ko sa bahay na ito. Pagbukas ng pinto, bumungad ang mga damit pambabae na organisadong nakasalansan.

Napailing na kumuha na lamang ako ng damit bago tuluyang pumasok sa banyo.

When I finished my morning rituals, I stepped out of the bathroom and immediately noticed that the room's temperature has gotten warmer. Ah, kaya naman pala. Lumapit ako sa veranda upang isara ang sliding door. I closed the heavy drapes. It's black which is a good thing so no light could escape.

I halted.

Of course it's the right thing to do. Escape! "Thank you, Lord!"

Bakit ba hindi ko naisip iyon? Ilang araw na ako rito ngunit hindi ko man lamang naisip iyon? Oo, siguro mali nga na pinagbintangan ko siya ng kung anu-ano. Maaaring hindi naman talaga siya ang may gawa ng mga iyon kina Jeoff at Lance. Ngunit mali na ikulong niya ako rito.

Demon's ObsessionWhere stories live. Discover now