Thirty

6.2K 188 16
                                    

Security

---♦♦♦---

HE WAS the one to wake up first, as usual. I was in the kitchen, chitchatting with Manang Sally and Marielle. Hinihintay ko lang talaga si Dean na matapos maligo. Sabi niya may pupuntahan kami ngayon. Nakabihis na ako at inaaliw na lang ang sarili sa pakikipaghuntahan kina Marielle habang naghihintay.

"Iyon ang binigay ko. Asa siyang ibibigay ko sa kaniya ang number ko!" ingos ni Marielle.

Natawa kami ni Manang sa kaniya. Kinukuwento niya sa amin ang pagkuha raw ng isang tambay sa number niya. She was so pissed off that she gave the barangay captain's number.

"Napakapilya mong bata ka," na-iiling na sabi ni Manang.

"E, mapilit siya. Ayan, text mate sila ni Kap." Humalakhak kami sa sinagot niya. She's really funny!

Natigil lang kami nang pumasok si Dean. Tila umurong ang dila ni Marielle. Nagpatuloy sila sa kaniya-kaniyang trabaho at nabalutan ng katahimikan ang kusina. They're really scared of him.

To ease the awkwardness, I walked towards him and clung my arm onto his arm. "Tara?" Tumango siya bago pinasadahan ng tingin ang mga tao sa kusina. Manang Sally cleared her throat while Marielle almost cowered in fear. I tugged his arm. He looked at me and we made our way out.

"Tinatakot mo sila," bulong ko.

Nagpamulsa siya. "I'm not," he replied. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. I hopped in. Siya na rin ang nagkabit sa aking ng seatbelt.

"Oo kaya," nguso ko. Kaya nga ako nahirapan sa pakikipag-close sa kanila dahil halos hindi ko sila makita kapag nandyan siya. Kumunot ang noo niya but he still gave me a peck on the lips. I pointed his eyebrows. "See? Magkasalubong na naman ang kilay mo." Nakapatong ang kamay niya sa sandalan ng upuan ko habang iyong isa, nasa dash board.

I put a thumb on each of his eyebrow and gently massaged it outwards. "Ayan, hindi ka na mukhang galit." I giggled.

"Tss..." He ruffled my hair. Umikot siya patungo sa driver seat at nagsimula nang magmaneho.

Sometimes his hand would rest on my thigh if it's not on the gearshift. Hinayaan ko na lamang iyon at inabala ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Hindi nagtagal, tumigil kami sa tapat ng isang commercial establishment. We rode a lift to the third floor. Huminto kami sa isang pinto na may nakaabang na babae. She greeted us and opened the door for us.

Nilibot ko ang tingin. It looked like an office. But it's cozy. Nagtatakang nilingon ko si Dean. Dito kami dumiretso. Ngunit para saan? Naupo kami sa couch na naroon. Nakasunod sa amin iyong babaeng nag-assist sa amin.

"Parating na po si Helga, Signore." Marie is a middle-aged woman wearing a usual office attire. She's like a secretary, like Mrs. Torres. May hawak siyang clipboard na hindi ko alam kung para saan.

Kumunot ang noo ko at lumingon kay Dean. "Bakit tayo nandito?" I looked away. His stare was so intense. "Sino si Helga?" Kinagat ko ang ibabang labi. I'm intrigued. Is she his mom or... Mabilis ko siyang sinulyapan at pasimpleng lumayo sa kaniya. Ngunit napansin niya iyon at maagap niyang pinalibot ang braso sa aking bewang para hilahin palapit sa kaniya.

I pursed my lips to one side. My mind is overthinking and I don't like it. I didn't like the thoughts forming in my mind and where these were going. The door opened and another middle-aged woman came in her business casual attire. She was sporting a friendly smile.

"Mi dispiace per il ritardo, Signore. Ho dovuto riparare qualcosa prima," she said as she walked towards us. I think she's sorry for being late. Her apologetic voice tells me so. Plus, I am secretly learning Italian. I think it's only fair since Dean's learning Filipino. I should do the same.

Demon's ObsessionWhere stories live. Discover now