Si Tenleigh naman ay tinitignan ang kanyang kuko, kaya napatingin ako kay Elliott. Wala na palang Elliott dito.

"Uy you, are you mag stay there? It's uso mag walk to go balik school, duh"-saad ni Tenleigh kaya napatakbo ako agad sa tabi niya at sinabayan siyang maglakad.

Sinabayan ko lang siya hanggang sa napansin kong sa Royal Mansion kami patungo.

"Wait, may klase!"-pigil ko sa kanya na ikinasama ng tingin niya sa akin.

"I want to tulog too! So I will tulog tulog and that's tuldok!"-sigaw niya at saka nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Napa-iling naman ako, akala ko papasok siya kaya sumama ako.

Maglalakad na sana ako pabalik pero naisipan ko munang dumaan sa Dark Forest.

Malapit na ako sa Dark Forest ay nakita ko si Aiken doon, nakatayo habang hawak ang isang manika.

Manika??

Naglakad ako papalapit sa kanya.

"Hey, ano 'yan?"-takang tanong ko habang papalapit sa kanya.

Pinakita niya sa akin kala laking gulat ko dahil may kamukha ito. Ang manikang ito may kamukha, hindi ko alam kung sino pero talagang familiar siya sa akin.

"May kakaiba talaga akong nararamdaman sa lugar na 'to"-saad ni Aiken na ikinatingin ko sa kanya. Napatingin ako sa Dark Forest. Sino kaya ang nakatira sa Dark Mansion?

"Hey, what are you doing there?"-tanong nang kung sino kaya napatingin ako sa sa likuran ko.

"Persephone!" Gulat na saad ko habang nakatingin siya sa aming dalawa ni Aiken.

"Persephone, you got it wrong! Magpapali-"-hindi ako pinatapos ni Persephone ng samaan niya ako ng tingin.

"Nasiraan ka na ba ng bait Elisana? Wala akong pake kung ano man ang nangyayari sa pagitan ninyo"-saad niya at diretsong nakatingin sa akin. Naglakad siya papalapit kay Aiken at hinablot ang manika na may kamukha.

"Kanina ko pa 'to hinahanap. Salamat"-saad niya at saka nagpalamon na sa anino niya kaya nagmumumura na si Aiken ngayon.

"That doll! That f*cking doll. It looks like Brena"-saad ni Aiken kaya nag taka ako bigla sa sinabi niya.

Brena?? Yung nawawala na friends ni Ava?!

"How come na may kamukha siyang manika like Adrianna?"-takang tanong ni Aiken sa kanyang sarili na rinig ko naman.

"How can you be sure na kamukha 'yon ni Brena?"-tanong ko sa kanya.

"Nakita mo na ang ebidensya nagmamaang-maangan ka pa!"-sigaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mas magandang maghanap ng mga ebidensya kaysa mamintang ka na lang bigla!"-sigaw ko na ikinatigil niya.

Padabog siyang naglakad papalayo kaya ako na lang naiwan sa harap ng Dark Forest.

Kakaiba talaga ang kagubatang ito, bagay ang pangalan niyang Dark Forest.

Adrianna Rose Campbell POV

"Anong sabi mo?"-hindi nasisihayang tanong ko kay Kendy na ngayon ay natatakot na nakatingin sa akin.

"I already told you before right?! Don't go outside! Hindi mo ba 'yon naintindihan?!"-sigaw ko sa kanya kaya napayuko siya.

Wala sanang makakita at maghinala.

"Adrianna"-nagulat ako dahil sa paglabas ni Persephone sa aking anino.

"Ay pangit na buset, ikaw pala Persephone. Ano- OMG nahanap mo!"-sigaw ko at inagaw si Chibi Brena sa kanya.

"Be careful, si Aiken ang nakakita. Talagang mag iimbestiga 'yon"-saad niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya.

"Sure, don't worry"-ngiting saad ko at saka binigay kay Kendy si Chibi Brena.

"Kendy, wag na muna kayong lalabas. Dito na muna kayo sa Dark Mansion, ilibot ninyo si Jamaica"-saad ko at nilabas si Jamaica sa bag ko.

Nakita ko kung paano titigan ni Kendy si Jamaica. Ganoon din ang ginawa ni Jamaica.

"Mukhang kailangan kong kumuha ng kaluluwa ng pari para sa dalawang 'to"-mahinang saad ko habang tinititigan silang dalawa na ngayon ay magkahawak kamay na.

Ang bilis palang dumamoves ang Kendy na 'to, grabe. At ang galing namang humarot nitong Jamaica na 'to. Itakwil ko na kaya?






✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Yes may matapos din. Kala ko di ako makakapag-publish ngayon.

Hope you are doing fine guys. Love lots.

Keep safe.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now