Chapter 13

11.5K 518 58
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Welcome back Our Lady"- bati ng mga maid ko pagkabukas sa double door ng mansion.
Ngumiti ako sa kanila at ibinigay ko sa isa ang aking bag. At nagpatuloy na pumasok sa mansion.

"My Lady, your food are ready"-nakayukong saad ng isang maid na naka-apron.

Tumingin ako sa kanila, nakayuko lang sila habang sumusunod sa akin. Itim at puting kaluluwa ang mga maid namin rito sa mansion. Itim ngunit may normal na mata na parang isang tao. Ganon din ang puti. Para rin silang tao kaso nga lang ay lumulusot ka sa katawan nila at saka nakalutang sila sa ere.

Papasok na sana ako sa dining hall ngunit may biglang tumalon galing sa second floor kaya dali-dali ko siyang sinalo.

"Damn it Prim. Tinakot mo ako!"- singhal ko gamit ang telepathy naming dalawa.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at patuloy lang niya akong dinidilaan habang sumasayaw sa hangin ang kanyang buntot.

Did he just ignored me?!

Tinignan ko siya nang masama ngunit sumiksik lang siya sa aking bisig. Great! Just great!

Ramdam ko naman na merong naglalakad sa hagdan kaya napatingin ako doon. Doon ko siya nakitang bumababa kahit na hirap na hirap siyang bumaba. Kailangan niya pang tumalikod para lumambitin sa kinananatuan niya at saka hinay-hinay na ilagay ang dalawang paa niya sa susunod na hagdan na kanyang bababaan. Ang liit kasi haha.

Sinenyasan ko si Lea na kunin siya para mas mapadali at para hindi na siya mahirapan pa.

Hinintay ko muna silang dalawa. Nang makarating na si Lea at siya sa tabi ko ay bigla siyang kumawala sa pagkakahawak ni Lea saka tumalon papunta sa balikat ko.

Kiniskis niya ang mukha niya sa akin at saka prenteng umupo sa balikat ko.

Napangiti naman ako nang palihim at saka naglakad na papunta sa dining hall.

Inilagay ko sa dalawang upuan sina Prim at siya saka ako pumunta sa aking upuan.

Pinalagay ko na ang kanilang paboritong pagkain sa harapan nila. Ilang segundo lang ay naubos na nila ang nasa kanilang harapan. Napa-iling nalang ako dahil sa ginawa nila. Hindi man lang sila naghinay-hinay at di pa ako hinintay tsk.

Kumain nalang ako habang pasulyap-sulyap sa dalawang nasa upuan parin nila na busy habang nakatingin sa akin. Napa-iling na lang ako. Don't tell me they want to play with me again? Gabi-gabi nalang ba silang makikipaglaro? Pwede namang sila-sila nalang. Nakakapagod kaya.

"We're just enjoying the view my flower"- saad ni Prim sa aking isipan habang nakatingin parin sa akin.

"Yeah, Prim is right" -tumatangong saad naman niya. Kaya napasimangot ako.
Hindi talaga sila nagbabago.

"You can go to the playhouse. Kendy is there."-suggestion ko sa kanila, please basta wag lang ako. May gagawin pa ako eh. Pero bukas. Napasimangot ulit agad ako dahil sabay pa silang umiling.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now