Chapter 33

7.2K 320 28
                                    

Ava Cunningham POV

"Meron hihihi"

Napatingin ako sa sumagot sa tanong ko. Walangya. Siya ba tinatanong ko?

Tinignan ko siya gamit ang matalim na tingin ko ngunit tumawa lang ito. Nakakairita sa tenga. Ok lang sana kung yung Huhuhu ko ang gayahin. Mas maganda pa iyon sa pandinig.

"Talaga?"-excited na tanong ni fake mute kaya tinignan ko siya ng masama. Naniwala naman ito agad.

"Yup hihihi, so pumunta na kayo sa shop ko hihihi"- tunatawang saad nito habang naglalakad na, nagkatinginan na muna kami bago kami sumunod. Itong fake mute na ito, bahala siya kung budol-budol kami ng mangkukulam. Basta ako walang tiwala sa mga mangkukulam.

Ayoko rin ng mga pananamit nila, walang kafashio-fashionable. Hindi na sila nahiya sa mga damit nila.

Tumingin ako sa paligid, ang daming mga nakatingin sa amin kaya kumendeng na ako at tumitigil konti then pose then lakad na ulit then pose. Ganon ang ginawa ko hanggang sa makapunta kami sa isang shop na malaking pumpkin.

"Woooohhh. Ang sarap kainin"-nagnining-ning na saad ni fake mute kaya sinipa ko ito. Sarap sipain eh.

"What the hell!"-sigaw nito ngunit inirapan ko lang. Baliw kasi.

Tumingin ako sa kanya na nakatingin lang sa pumpkin shop. Ano namang maganda dito? Haler so cheap.

"Pasok kayo hihihi"-aya niya sa amin kaya ang fake mute kong kasama, pumasok na sa loob.

Napa-irap nalang ako sa hangin at pumasok narin.
Wala rin naman akong magagawa, babadtripin rin naman ako ni fake mute kung di pa ako papasok.

Adrianna Rose Campbell POV

Kailangan naming mabili ang Leaf of ice moon plant. Dahil mas mahihirapan kami kung hahanapin pa namin iyon. Madami pa kaming kailangang hanapin na sangkap, kung may mas madaling paraan susuggaban ko na iyon. Hindi pwedeng kumilos nang matagal.

"Hihihi ito ang hinahanap ninyo hindi ba? Hihihi"-tumatawa nitong saad habang hawak ang isang babasaging na hugis parisukat na transparent. Sa loob nito ay may isang dahon na nababalutan ng nyebe na kahugis ng buwan.

"Magkano?"-maarteng tanong ni Ava kaya napatango rin ako. Magkano kaya ito? Mahal ito for sure.

"Hihihi, hindi naman gaanong kamahal. Isang kaluluwa lang sapat na hihihi"-nakakakilabot na saad nito ngunit isang inosenteng mukha ang pinapakita niya sa amin.

Sabi na nga ba. Kaluluwa.

Napahakbang palikod si Ava habang hindi mapakali ang kanyang mata.

"Ka-k... Kaluluwa??!!"-sigaw nito habang napapranning na. Sino ang hindi mang-iiip na baka kaluluwa mo na mismo ang kapalit hindi ba?

"Yes hihihi. One soul only and you can purchase this hihihihi"-tumatawang saad nito kaya napalunok si Ava at saka tumingin sa akin.

"Y.. You fake mute. Bigay mo na kaluluwa mo!"-utos nito kaya nagroll-eyes lang ako sa kanya. Anong akala niya sa akin? Ganon ganon ko na lang ibibigay ang kaluluwa ko? Hindi pwede.

"I don't want to"-irap na saad ko at umupo sa malapit na upuan. Kailangan ko na munang umupo, nakakapagod kayang natayo lang.

"Why do you need a soul?"-tanong ni Ava sa mangkukulam kaya tumawa ito nang pagkalakas-lakas.

Tumingin ako kay Ava na nalilito.
Baka akala niya siguro isa itong soul eater or soul collector.

"She's not like what you've thinking. She is not a soul eater or a soul keeper. Ang soul eater ay talagang kailangan nila iyon para mas lumakas sila. Kapag mas madaming souls ang nakain nila mas lalo silang lalakas. Pero ang witch na gaya niya ay kailangan nila ng mga souls para bumata ang kanilang itsura."-nakadekwarto kong saad habang nakatingin sa bruha sa harapan namin na nakangisi.

"Hmm. Hihihi. How did you know that information? Hihihi"-namamanghang tanong ng bruha sa akin kaya napangisi naman ako. Anong akala niya sa akin bobo?

"I've read already the book of witch, that's why"-kibit-balikat kong saad kaya napatango-tango ito.

"And I know how to kill them easily"-nakangising saad ko kaya nakita ko kung paano ito kabahan at lumunok

That's right. Kabahan ka.

Kahit na madami akong kalaro, hindi ko maaatim na bigyan siya kahit isa. Sa amin lang nila Prim at Inna ang mga laruan namin.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Now, if you still don't want to die. Give me what we need or you will face your death right now right here"-nakangising saad ko kaya mas lalo itong nangatog.

Dahil na rin siguro sa takot ay iniusog na niya papunta sa akin ang leaf of ice moon plant.

Ngiting tagumpay ko itong kinuha at nagsalita.

"Alam mo naman pa lang matakot. Ako rin naman ganon ang gagawin ko, mas gusto ko pang mabuhay kapalit sa bagay na ito"-saad ko at lumabas na, ganon din si Ava. Sumakay na kami walis at lumipad na sa alapaap kung nasaan ang portal.

"Alam mo kung paano sila patayin?"-basag ni Ava sa katahimikang bumabalot sa pagitan namin.

Nginisian ko siya.

"Of course

..

..

..

...

..

Hindi. Ano ka ba, joke joke ko lang. Wahahhaha"

Nakita ko naman kung paano muntik mahulog si Ava sa walis kaya tumawa ako.

Masyadong uto-uto ang witch na iyon. Wahahah. Napapadali talaga ang pagkuha namin sa sangkap na ito.

Masyadong bobo, hindi alam kumilatis ng tao. Isa iyon sa kahinaan ng lahat, look can be deceiving ika nga hindi ba? Hayst.

Sarap lokohin.

"Ang galing mong mang-uto talaga kahit kailan. Sinungaling na fake mute!"-singhal nito at humalukipkip.

"At least napadali hindi ba?"-tumatawang saad ko kaya hindi na siya nagsalita pa heheh.

Tumawa lang ako hanggang sa makapasok na kami sa portal.

***

"Dito na naman tayo matutulog"-iling na saan ni Ava habang nakatingin sa loob ng karwahe.

Ok naman eh, magarang karwahe naman ito. May malambot na upuan at maluwag na space.

"Our next destination is Amazon World"-mabilis kong saad habang nakatingin sa kanya na ngayon ay inaayos ang hihigaan niya.

"Ang aking kaharian kung saan nandon ang mga magaganda like me huhuhuhu"-excited na saad nito at hindi mawawala ang tawa niyang nakakakilabot kaya napa-iling nalang ako.

Amazon World or the Women's World. Ang Fang of Amazon tiger. Siguro naman meron ang mga taga amazon nun hindi ba? Hihingi nalang kami para mas mapadali ang mission namin.

Gusto ko nang makita sina Inna, Prim and my toys.

✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Chapter 33 already served.

Keep safe minna

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now