Chapter 93

4.7K 226 54
                                    

Sai POV

Gusto kong tumakbo kung saan. Gusto kong umalis sa lugar na ito at magtago kung saan.

"My baby, come to Mommy"-malambing at may ngiti sa labi nitong saad habang ang kamay niya ay sumesenyas na lumapit ako.

"C'mon baby, come here"-nakangiting saad niya kaya napa-iling ako at tumingin sa katawan sa tabi.

Hindi na kita ililibing. Dahil ako ang ililibing niya ng buhay kapag nahuli niya ako.

Tumingin ulit ako kay Mommy na naghihintay.

Mabilis akong tumakbo at saka nagtatatalon sa mga sanga ng mga punong nadadaanan ko.

"Sai!!!!!!"-sigaw ni Mommy na rinig na rinig ko na mas nagpanginig sa akin. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtatalon-talon sa mga sanga para makalayo sa kanya.

Gusto ko lang namang magsaya eh!!!

Tumalon ako nang pagkataas-taas sa ere hanggang sa nakasakay na ako kay Thania.

"Thania! Dalian mo!"-sigaw ko na mas binilisan naman ni Thania ang paglipad.

"Patay ka Sai"

"Stop up Thania!"-sigaw ko at saka yumakap sa leeg niya.

"Got you"

Napatingin ako sa nakatayo ngayon sa uluhan ni Thania.

"Hehe, Hi Mommy"-alanganing saad ko at napangiti ng pilit.

Ngumiti lang siya at saka naglakad papalapit sa akin.

Nakatingin ako sa kanya habang mabilis na pumunta sa likod ni Angelica.

"Angelica, help me"-saad ko at nagtago sa likod niya habang pasilip-silip kay Mommy na nasa harapan namin at ang tingin ay sa akin.

"I'm sorry Mommy! I-i just want to help you that's it!"-nakayukong saad ko habang nasa likod pa rin ni Angelica.

"I know that's why I want you to come here"-seryosong saad niya kaya nagdadalawang isip ako ngunit lumabas na ako sa likod ni Angelica at saka unti-unting tumingin sa kanya.

Mabilis niya akong niyakap kaya nagulat ako bigla sa ginawa niya.

Old me:
"Ewww"
New me:
*Blush*

At saka niya kinurot tagiliran ko.

"Ouch"-saad ko at saka hinimas ang kinurot niya.

"Don't to that again alright?"-saad niya kaya tumango na lang ako.

"Thania, sa Legendary Mountain tayo"-saad niya kaya binilisan na ni Thania ang paglipad.

***

Its been three days noong iniwan ako ni Mommy sa Legendary Mountain habang nakapalibot ang mga kaluluwa sa paligid.

Hindi niya talaga hahayaang maka-alis ako sa lugar na ito hangga't hindi pa tapos ang digmaan.

Nakaupo ako habang hawak ang rehas, para akong ibon na nakakulong sa isang hawla na may kama at mga kailangan ko.

Hindi ko alam bakit kailangan pa ng mga kaluluwa rito para mangbantay eh kinulong na nga niya ako.

Ano na kaya ang nangyayari sa Academy?

Adrianna Rose Campbell POV

Isang malakas na sampal ang natamo ko galing kay Ava na ngayon ay galit na galit sa harapan ko.

"Walangya ka Fake mute! Pinagkatiwalaan kita pero lolokohin mo lang ako? Gagaguhin mo lang kami?! Anong nagawa naming masama sa'yo at ganito ang isusukli mo?! Huuhuhhuhu"-sigaw niya habang nanggigigil sa galit. Tinitigan ko lang siya sa mata habang nagsisisigaw siya.

"Ano?! Sumagot ka tangna mo! Sumagot ka! Bakit?! Bakit?! Huhuhuhu"-sigaw niya habang niyuyugyog ako.

"Manahimik ka o papatahimikin kita habang buhay?"-tanong ko sa kanya kaya tumigil siya at saka pinunasan ang mga luha niya.

"Hindi ka talaga magaling umarte. Ang pangit mo fake mute! Huhuhu"-saad niya habang tumatawa gamit ang favorite niyang tawa na huhu.

"Ano bang ginagawa mo rito?! Di ba buntis ka? Dapat nasa Wolves World ka lang para ligtas ka"-saad ko sa kanya.

"It's okay. Hindi naman kami magtatagal eh. At saka we are just here para sabihin ang ilan sa pack ay tutulong sa inyong lahat. Huuhuhhuhu we are so magaling talaga"-tumatawang saad niya kaya napa-iling ako at tinignan ang mga kaibigan niya na kinakausap ni Alpha Den at Shin ang beta. Kita ko naman kung paano titigan ni Alpha Den ang babaeng nasa harapan ko at pansin ko naman na panaka nakang tumitingin sa akin si Shin.

Pagkatingin ko sa mga kaibigan ni Ava ay naalala ko bigla yung nawawalang kaibigan nila. Nasa akin na pala yung babaeng yon, matagal na. Bat ngayon ko lang naalala?

Brena, siya pala yung aso ni Kendy.
Isa lang ang pinagpapasalamat ko, hindi nabubuntis ang mga chibi dolls. Kung nabubuntis lang, naka ilang anak na si Jamaica. Pssh.

Tumingin ako kay Ava na tahimik pa lang nakatingin sa akin.

"May gusto ka bang sabihin fake mute?"-tanong niya kaya napatitig ako sa mata niya. Nasan ang huhu?

"Wala"-umiiling na saad ko at saka tumingin sa paligid.

"By the way Fake mute. Di ba alam nilang may war pero bakit that time pa nila na-isipang magpakasal? Huhuhu are you not going to stop the wedding?"-tanong niya sa akin at saka nagtaas baba ang kilay.

Anong akala ng babaeng ito? Na gaya niya akong mahilig gumawa ng gulo o 'di kaya magpapansin? Tsk.

Mas maganda na sabay talaga ang kasal at digmaan para hindi matuloy ang kasal.

"Let's just go with the flow"-saad ko at saka naglakad na papalayo sa kanila. Kumaway ako habang naka talikod sa kanila.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Caspian na nakabulsa ang dalawanh kamay niya, nagulat siya nang makita niya ako kaya dali dali niyang nilabas ang mga kamay niya sa bulsa niya at mabilis na lumapit sa akin.

"Hi Adrianna"- nakangiting saad niya kaya ngumiti rin ako saka siya tinitigan.

"It's been a long time"-saad ko na ikinatawa niyan at nagkamot sa batok.

"Yeah, I can't say no to my Mother and Father."-saad niya kaya napatango ako.

"How's the snake?"-tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin at saka nagkibit-balikat.

"Bihira lang siyang pumunta sa palasyo. Ewan ko kung saan siya nagpupupunta"-kibit-balikat na saad niya at saka hinawakan ang kamay ko at bigla niya akong niyakap.

"I'm so happy that I met you. The first time I saw you, I knew that I like you, I love you."-mahinang saad niya at sumiksik sa leeg ko. Yumakap naman ako at saka pumikit.

"Adrianna, I love you so much. I want you to be my wife"











✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Hope you like it guys ahahha.

Keep safe and paki ingatan ang mga puso niyo sa susunod na mga kabanata. Ehem.
Love you all.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now