Chapter 46

6.8K 351 59
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

One week na ang nakakaraan tas ganito pa rin? Really? Hindi sila mapaghiwahiwalay. Stick to each other talaga sila. Ang lalandi.

"Baby wait for me"-sigaw ng babaeng ahas na si Roselyn na ngayon ay humahabol kay Caspian na ngayon ay paalis na sa classroom namin.

"Hindi na nakakapagtaka kung magkatuluyan sila ahahha"-natatawang saad ni Accuis na ikinatingin naming lahat sa kanya.

Hindi talaga makapagtataka na ganon talaga ang mangyari hmmft. Basta ayaw ko sa babaeng malandi na iyon.

"Really? Ok"-saad ko at tinignan ang papel na nasa harapan ko. Mas magandang bigyan ng oras ang isang bagay na mas mahalaga.

Kasalukuyan akong nagguguhit ng mga stick man. Well that's my master piece. Stick men.

Sabi nga nina Mom at Dad ang galing ko raw kaya hanggang ngayon pinagpapatuloy ko pa rin ang pagguguhit. At talagang gustong gusto ko.

"Naks naman. Ang galing mong gumuhit Adrianna lodi!"-biglang saad ni Kegan na nasa tabi ko pala kaya napatalon ako sa gulat.

Pwede bang wag pabigla bigla? Kasi naman minsan nakakasakit ang pabigla-biglang pang-iiwan na walang dahilan.

Wala sa topic ang sinabi ko. Tumingin ulit ako kay Kegan na tumatawa sa tabi ko. Hanggang sa sumigaw siya.

"Naks Guys! Tignan niyo!"-sigaw nito sa lahat at hinablot ang ginuguhit ko. At pinakita sa mga kakalse namin na nagsilapitan na.

"Wahahah stick man?!"

"Ahahha ano ka bata?!"

"Lol"

"Ahahha putek ang galing mong magdrawing Idol!"

"Sanay na sanay"

"Salamat"-saad ko at saka inagaw ang papel na hawak ni Kegan at saka pinagpatuloy ang ginagawa kong pagguguhit.

"Wait. Salamat talaga sasabihin mo?!"-gulat na tanong ni Kegan kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano ba dapat kong sabihin? You praised my works so I should say thank you or salamat for that."-kibit balikat na saad ko kaya napuno na naman ng tawanan ang buong paligid kaya taka ko silang tinignan na ikina-iling nalang nila.

"Hey Vien. I'm good in drawing right?"-biglang tanong ko sa katabi ko na kanina pa pala nakatingin sa ginuguhit ko.

Gulat siyang napatingin sa akin at sunod sunod na tumango kaya nginitian ko siya.

Habang nagwawala ang mga kakalse namin ay may biglang bumulabog sa aming lahat. Isang alingaw-ngaw na parang nagsasabing danger.

Napatayo silang lahat at sabay sabay na tumakbo papalabas sa school kaya dali-dali kong tinago ang aking mga gamit at tumakbo papunta kay Vien saka nakisabay sa mga estudyanteng nagtatakbuhan.

"What's going on?"-curious na tanong ko habang sumasabay sa takbo ng mga estudyante.

Umiling naman sa akin si Vien na nagsasabing di rin niya alam.

"Sh*t bakit sila umaatake?!"

"May activity pa kami eh! Sayang di ko na naman makikita ang abs nila"

The Soul KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon