Chapter 4

15.4K 656 79
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Ok, that's all for today, you may leave now"-nakangiting sabi ni Sir Linton.

"Good bye Professor!"

Professor? Iyan ang tawag nila sa kanya? Hmmm. *tango tango*

"Hey, we're about to go to cafeteria, wanna grab snacks with us?"- tinignan ko lang ang babaeng nagtanong na nag-aya sa akin na pumunta sa cafeteria.

I tilt my head while looking at her.

A friendly soul.

Tumalon si Prim paalis sa aking uluhan at tumingalang nakatingin sa akin.

Magsasalita na sana ako ngunit may nakita ako isang itim na kaluluwa na napadaan sa pinto kaya dali-dali kong kinuha ang bag ko at saka tumakbo. Ramdam ko naman na sumunod si Prim sa akin.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa napadpad ako sa pinakalikod ng school.

May nakita akong isang gate na nababalutan ng mga baging. First, if you look at it parang wala lang ito, hindi ito binibigyang ng halaga. Kumbaga balewala lang itong gate na ito.

This is what they called "Gate of Dark Souls." Ang mga namatay sa digmaan na hanggang ngayon ay di pinagbabayaran at patuloy pa ring namamayani ang sakim at poot sa mga puso nila ay napupunta sa likod ng gate na ito.

Once na pumasok ka rito, mahuhulog ka at mapupunta ka sa isang lugar na parte ng impyerno. The Dark Soul Island.

Matagal ko na itong hinahanap. Matagal ko na rin alam ang Dark Soul Island ay isang parte ng Impyerno. Nababasa ko lang ito sa Book of Hell.

Tinignan ko si Prim, nangniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin sa gate, kita mo ang galak nito dahil na rin sa kanyang buntot na sumasayaw sa hangin.

Yumuko ako sa kanya at nagsalita sa kanyang mabalahibong tenga.

"You want to go inside Prim?"-mahinang bulong ko. Ayokong lakasan baka meron pang makarinig. Baka pilitin pa nila akong magsalita.

"Yes my flower" sagot nito sa akin gamit ang kanyang telepathy. We can communicate each other. Kaya tahimik lang ako minsan. Mas gusto ko siyang kausap kaysa sa iba. Noong limang taong gulang ako noong nakita ko siya sa may White Forest. Isa siyang itim na nag-aapoy na lobo.

Nagpapahinga siya sa may ilalim ng white tree na may mga bulaklak na naglilinisan dahil sa kaputian.

Flashback

Nakangiti akong bumubungis-ngis dahil natakasan ko nanaman sila Mom, Dad at ang mga aking taga-bantay.

Naglalakad ako patungo sa White forest kong saan lahat ng bagay ay puti. Pati mga puno, lupa, ilong, bato, bundok at iba pa puro puti lahat.

Habang naglalakad ako ay may napansin akong isang malaking white tree o ang tinatawag nilang purity of life. Dito mo makikita ang mga white fairies na nagsisilbing taga-kolekta ng mga alaala na puro kabutihan. Papalapit ako ng papalapit ay doon ko nasilayan ang mga naggagandahang mga puting bulaklak. Sa isang tangkay may libo-libong puting bulaklak ito.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now