Chapter 21

3.1K 74 0
                                    

Makalipas ang halos dalwang oras na natutulog si Bryle sa sofa.

Pinuntahan ko sya para icheck ang lagay nga.

"B-bryle?! Ang init init mo" bulong ko.

Naramdaman ko na inaapoy na sya ng lagnat. Hindi humuhupa ang lagnat nya.

"Hmm.. rrr.." Bulong nya.

Niyakap ko sya. Naramdaman ko na nilalagay nya ang mga kamay nya sa braso nya, halatang nagiginaw sya dahil nagnginginig sya. Bat ba kasi dito ka pa dumayo ng lagnat .-.

Pumunta ako sa kwarto para kumuha ng kumot.

"Jessa.. JESSAAA!"

Narinig kong sigaw nya mula sa sala. Kinuha ko ang kumot at agad akong tumakbo papunta sa sala.

"Bryle.. Bryle okay ka lang? Bryle!"

Tinapik tapik ko sya.

"Jessa, wag mo akong iiwan"

Hinawakan nya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya, nakapikit ang mga mata nya. Nagdidileryo ba sya? -0-

Tiningnan ko yung relo ko, 8:30 pm.

Naalala kong hindi pa pala ako nakakakain.

Tinangka kong ialis ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. Ang higpit ng pagkaka-kapit nya.

Ilang beses ko pang sinubukang umalis pero bigla nyang napukaw ang atensyon ko nang kumunot yung noo nya.

Nag-indian seat ako sa sahig. Tinitigan ko ang muka nya.

Bakit ang gwapo mo?

Nilaro-laro ko yung bangs nya.

Bigla akong natigilan, hindi ka na nga pala sakin.  Sabagay, hindi ka naman talaga naging akin.

Nagugutom na ako, hayst. Tulog na yata yung kapatid ko. Hindi na nga ako kakain .-.

Umub-ob ako sa tabi nya. Medyo napapapakit na ang mata ko sa antok, nang biglang nagulat ako ng may naramdaman akong kakaiba sa kamay ko.

Ano to?

Nabasa yung kamay ko.

Napatingin ako sa kisame, may umiihi bang butiki? .-.

Napatingin ako kay Bryle.

O////O

Umiiyak ba sya? .o.

Naramdaman kong nanlalabo ang paningin ko. Nabasa yung hita ko sa pagpatak ng mga luha ko.

Gusto kong sabihin at iparamdam sayo kung gaano kita kamahal pero...

Pero.. mali.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Where stories live. Discover now