Chapter 34

3.4K 83 3
                                    

Ngayon ang nakatakda naming double date sa isang french restaurant.

Nakabihis na ako at ready na para umalis. Iniintay ko na lang si Natasha para sabay na kaming pumunta doon.

Nagbago ang plano ko since meron na lang akong isang araw para ayusin ang samin ni Jessa. Papagselosin pa rin namin siya para kahit papano malaman ko kung may feelings pa ba siya para sa akin pero napagdesisyonan ko na sabihin na sa kanya ang lahat lahat. Eto na siguro ang tamang panahon para doon dahil bukas, aalis na ako ng bansa.






*Ding Dong*






Pumunta agad ako sa pinto para tingnan kung sino ang nagdoorbell. Nakita ko si Natasha at si Darryl.

"Hinatid ko lang siya, papunta na din ako sa bahay ng girlfriend ko daw." - sabi niya na umalis na rin pagkatapos.


Pumayag din si Darryl sa plano namin ni Natasha. Syempre gusto nilang maayos din namin yung sa amin ni Jessa tulad ng sa kanila.


"Ano? let's go?" - yaya sa akin ni Natasha.




Sumakay na kami sa kotse ko at pumunta sa isang french restaurant na sinabi niya nalapit sa Empire Building.

Pagkarating namin ay umupo na agad kami sa isang table. Wala pa sina Jessa at Darryl kaya medyo nakaapaghanda pa ako.

"Sure ka na ba sa desisyon mo? Paano kung hindi pa rin siya pumayag?" - tanong ni Natasha.

"Bahala na, kapag hindi siya pumayag.. hindi ko alam. Kinakabahan ako."



Hinawakan ni Natasha ang kamay ko. Pinaalam ko na din kasi sa kanya ang plano kong sabihin kay Jessa ang buong katotohanan at syempre sinuportahan nila ako ni Darryl. Ang totoo hindi ako sigurado kung gagana ba ang plano ko basta bahala na.

Ilang minuto pa at dumating na sina Darryl. It's showtime.



"Hey, sorry kung nalate kami. Kanina pa ba kayo?" - sabi ni Darryl sabay kindat. At ang gagong to, ayaw ayusin ang pag arte.

"Nope, actually kadarating lang namin. Diba, Hon?" - tumango na lang ako. Pinulupot ni Natasha yung kamay niya sa braso ko saka tumingin ng nakakaloko kay Jessa.

"Umorder na tayo?" - sabi ni Jessa sabay upo sa upuan. Nakatitig lang ako sa kanya dahil gusto kong makita ang reaksyon niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.




Maya maya ay lumapit na yung waiter sa table namin at inabot ang menu.

"Hon, ikaw na ang umorder para sa akin." - sabi ko kay Natasha habang nakatingin kay Jessa. Nakataong tumingin din naman siya sa akin kaya ngumiti na lang ako para asarin siya.


Matapos kunin ang mga order namin ay umalis na din yung waiter.





"So, gaano na ba kayong katagal nitong si Darryl?" - pangiintriga ni Natasha. Napansin kong nagkatinginan sila ni Jessa.



"4 months."


"2 months pa lang."





Napatungo na lang ako dahil ayokong mapatawa. Napansin kong inapakan ni Jessa yung paa ni Darry kaya napatingin agad ako sa kanya.




"AHH-- oo, 2 months pa lang. Haha akala ko kasi counted yung dati." - palusot ni Darryl na halatang nasaktan sa pag apak ni Jessa sa paa niya. Kawawang Darryl.



OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Where stories live. Discover now