Chapter 20

3.2K 85 2
                                    

Umakyat ako sa kwarto para magpalit ng pambahay na damit. Pinuntahan ko si Josh sa kwarto nya at binigay ko ang pasalubong ko sa kanya.

Bumalik ako sa kwarto ko at pansamantala munang humiga sa kama.

Napansin kong lalong lumalakas ang pagpatak ng ulan. Sumilip ako sa bintana at.

B   R   Y   L   E      ?

Nakita ko syang nakatayo sa harapan ng gate namin. Nakatayo lang sya at nagpapakabasa sa  ulan.

Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko.

Hindi ko kayang makitang nababasa ng ulan ang taong mahal ko, NASASAKTAN AKO.

Anong gagawin ko?

Hindi ko sya kayang tiisin.

Kinuha ko yung payong na itim na binigay nya sa akin kanina, agad akong lumabas ng bahay at pinagbuksan sya.

Dahan-dahan syang tumingin sa akin. Parang matutunaw ako sa mga titig nya. Pansamantala kaming nanatili sa ganong sitwasyon hanggang sa lumapit ako at pinayungan ko sya.

"Anong ginagawa mo di--"

Hindi ako nakatapos sa pagsasalita at bigla nya akong niyakap.

Naramdaman ko ang bigat nya sa mga balikat ko. Dahan dahan ko syang inakay papasok ng bahay ko.

"Josh~!!"

Tawag ko sa kapatid ko, para naman matulungan nya ako.

Agad syang lumabas mula sa kwarto nya at tinulungan akong akayin sa Bryle papunta sa sofa.

Basang basa sya ng ulan. Hinawakan ko ang noo nya, mainit ito.

Tss, bakit ba kasi sya nagpapakabasa sa ulan.

Kumuha ako ng palanggana na may maligamgam na tubig at bimpo, para mapunasan ko sya.

Tinanggal ko ang damit nya para mapatuyo muna. Pansamantala ko syang kinumutan ng tuwalya para hindi sya masyadong ginawin.

Pagkatapos ko syang punasan nilagay ko muna yung bimpo sa may noo nya.

Kinuha ko yung ilang gamot sa lagnat sa may cabinet para ipainom sa kanya. Baka kasi magkasipon pa sya o magka-ubo.

Maya-maya..

Beep~

Tumunog yung phone ko, kinuha ko ito at...

H--Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa cellphone ko, para kasing ano mang oras pwede ko itong mabitawan. Nangangatal ang kamay ko sa nakita ko.

T-- Tumambad lang naman sa akin ang picture ni Bryle kasama si Natasha, hindi ko alam kung san to kinunan pero parang nasa kama sila.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Where stories live. Discover now