Chapter 15

4.8K 103 2
                                    

Nandito kami ni Daryll sa canteen, kami lang dalwa ang sabay na nakain kasi naman si Cristene ... ayun kasama ng boyfriend nyang si Ralph.

Ewan ko ba sa dalwang yun, dati rati away ng away ngayon naman halos hindi mapaghiwalay!

Bumili si Daryll ng sandwich at softdrinks para sa aming dalwa.

"Jessa" - mahinang sabi nya.

"Pwede bang ako nalang?" - tanong nya.

"Anong ikaw nalang?" - tanong ko, Busy kasi ako sa pagkain, ansarap kasi ng sandwich sa canteen! XD

"Pwede bang ako nalang ang mahalin mo?" - tanong nya..

"EHEM! EHEEEEMMM!! " - uminom ako ng tubig, grabe muntik na akong mabulunan sa sinabi nya.

Pero hindi din ako makasagot. Hay nako Daryll, sinabi ko na rin yan sa sarili ko..

Na sana ikaw nalang, sana sayo nalang ako nagkagusto at hindi sa kanya.. pero hindi talaga eh, hindi talaga ikaw ang mahal ko kundi si Bryle.. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo..

Pumunta ka sa school na 'toh para sa akin.. para makita mo ako. Pero heto naman ako basang basa sa ulan.. ay! male! XD

Nahihiya ako sayo kasi andami mong sinakripisyo para makita ako, kahit hindi mo sabihin.. Na-iintindihan ko at na-a-appreciate ko yung effort mo, pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo...

Ayokong masaktan ka... dahil mahal kita..  bilang kaibigan ko.

"Hayaan mo ako na maging boyfriend mo, pangako lagi kitang papasayahin."

"Tutulungan kitang kalimutan si Bryle."

"Hindi ko kayang makita kang ganyan Jessa, nakaupo sa isang tabi at nagmumukang tanga... "

"Ayokong habang buhay ka nalang maging malungkot."

"Ayokong makita ka pang umiyak ng dahil sa kanya... Nasasaktan ako.

Nahihiya ako sa kanya.. dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nya.

Pero sa tingin ko may punto sya...

Siguro nga kaylangan ko sya, kaylangan ko sya para makalimutan ko si Bryle. Kahit alam kong mali. Kahit alam kong mali na manggamit ng ibang tao para makalimot.

Lagi akong umiiyak dahil kay Bryle, siguro panahon na para bigyan ko ng pagkakataon si Daryll na pasayahin ako .

Sa tingin ko matututunan ko naman syang mahalin. Mabait naman si Daryll, maalaga, makulit at malambing hindi sya mahirap magustuhan.

Napatingin ako sa kanya...

"Please?" - sabi nya.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Where stories live. Discover now