Chapter 19

3.6K 92 2
                                    

Bryle's POV:

Nakatayo lang ako ngayon na parang isang istatwa.

Habang pinapanood ang pag-alis ng isang ordinaryong kotse.

Naramdaman ko nalang na basa na ang pisngi ko. Pinunasan ko ito at napagtanto ko na lumuluha ako. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Noong naghiwalay kami ni Natasha, medyo naiiyak ako at nalulungkot.

Pero ngayon parang may kakaiba.

Habang patuloy ang paglayo ng kotseng ito mula sa kinatatayuan ko, nararamdaman ko ang patuloy na pagsakit ng dibdib ko. Parang may kung anong pumunit sa puso ko.

Siguro dahil nasa loob ng ordinaryong kotseng 'yon ang isang espesyal na babae sa buhay ko. Isang babaeng labis na minahal ko.

Yung nangyari kanina, naguguluhan din ako.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang nangyayari. Kahapon lang ayos pa kami, pero bakit ganon? May ginawa ba ako sa kanya?

Nasasaktan ako kanina lalo na nung umiiyak sya habang hawak ang mga kamay ko. Hindi ko alam pero nung mga sandaling yun, parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko na nagdudulot ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Bakit nya ako iniwan?

Ang tanong na bumabagabag sa isip ko. Hindi ko maipaliwanag pero isa yang malaking tanong sa puso ko. Pakiramdam ko iniwan nya ako at pinili nyang makasama si Daryll na gorilya. Hindi nya na ba ako mahal? Ayaw nya na ba sa akin?

Anong kasalanan ko? Bakit nya ako ginaganito?

Dahil sa mga sinabi sa akin ni Daryll kanina, lalo akong napapaisip.

***FLASHBACK***

"Anong ginagawa mo dito?" - tanong ko sa kanya.

"Ikaw dapat ang tanungin ko nyan, ano ang ginagawa mo sa bahay ng girlfriend ko?"

Pansamantala akong natigilan. Nga pala girlfriend ng Gorilyang 'to si Jessa.

"Umalis ka na dito, Hindi ka nya kaylangan." - sigaw nya sa akin.

"Ikaw ang umalis dahil hindi ka nya mahal."

"Tss. Nagkakamali ka. Ako na ngayon ang mahal ni Jessa."

Tumingin sya sa bulaklak na hawak ko. Agad nyang hinablot ang mga ito at tinapon sa basurahan.

"Ano bang ginagawa mo?" - galit na galit kong sigaw sa kanya.

"Yan ang nararapat dyan. Tinatapon. Dahil basura lang ang mga yan, parang ikaw."

Nang malapit ko na syang suntukin, saktong may nagbukas ng pinto.

JESSA?

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Where stories live. Discover now