Chapter 6

4.7K 124 9
                                    

Natapos na ang flag ceremony at pinabalik na kami sa kany kanya naming room. Since she's my seatmate, nakita ko agad si Natasha na hawal ang cellphone niya. Siguro katext niya ang kupal na pinagpalit niya sa akin

Excited na ako sa gagawin namin ni Jessa mamaya. Gusto kong makita kung anong magiging reaksyon niya.

Natapos ang isang subject ng hindo ko manlang namamalayan at ngayon kasalukuyang nagdidiscuss ang AP teacher namin sa harapan. Hindi ako mapakali. Hindi kasi ako sanay na hindi kinakausap si Natasha, pero sa pagkakataong ito. Hindi ko manlang siya matingnan. Nang biglang..


"I-im sorry." - bulong ni Natasha.


Nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita. Tama lang yan, pagsisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin. Pero hindi yon maaayos ng isang sorry lang.

"Wala yun" matipid kong sagot.


Ayoko munang sabihin sa kanya na may bago akong girlfriend. Gusto ko na magulat na lang siya mamaya. Gusto ko siyang magsisi. Ang sama ko ba masyado? Hindi naman siguro. Gusto ko lang siyang turuan ng leksyon, na hindi niya dapat niloloko ang isang Bryle Nickolo Sevilla.











**











Jessa's POV:


"Bestie, ano nga kasing dahilan?" - tanong ni Cristene. Grabe ang bababeng ti, kanina niya pa ako kinukulit.

"Shh, wag kang maingay. Secret lang to." - saway ko.

"Okay" - umayos siya sa pagkakaupo.

"Kinausap ako kanina ni Bryl--" - Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Ano?! Ni Bryle?! Ni Bryle Nickolo Sevilla?! Bakit daw?" - biglang bigla si Cristene.

"Kasasabi ko lang na wag kang maingay eh. Oo, nagtatrabaho ako kay Bryle bilang girlfriend niya para magselos si Natasha. Niloko kasi siya nun tapos nagbreak sila. Pero gusto pa rin ni Bryle na magkaayos sila.'' - paliwanag ko.

"Wow bestie! Alam mo ba na napaka swerte mo!? Ang lalaking pinapantasya ng lahat, ang ultimate campus hearthrob, BOYFRIEND MO NA!!" sigaw niya. Tinakpan ko ang bibig nya. Ang lakas kasi ng boses niya baka may makarinig pa.



Napansin kong papasok na si Ms. Ramos sa classroom namin, siya ang teacher namin sa speech.



"Ano ba?! Bestie naman eh! Ang lakas naman ng pagkakasabi mo. Hindi ko sya boyfriend, magpapanggap lang kami. Okay? " - paliwanag ko.


"Asus, ganon na rin yon. Teka lang, kaya mo ba? I mean, kaya mo bang masaktan para lang makita siyang masaya?" - mukhang may malalim na pinaghugutan si Cristene.



Tama naman siya eh. Panakip butas ang papel ko sa love story nina Bryle at Natasha. At saka ginagamit lang naman ako ni Bryle para magselos ang babaeng mahal niya. Hindi dapat ako umasa.


"Wala na tong atrasan. Isa pa, nakapirma na ako sa kontrata." - sagot ko.




Kailangan itanim ko sa isip ko na nagtatrabaho lang ako kay Bryle at kahit kailan hindi niya ako magiging girlfriend. Trabaho lang walang personalan and we're just friends. Lakas maka showbiz. Hahaha. Maya maya pa..



*RIIIINNNG!*


Narinig ko na ang tunog ng bell, hudyat na simula na ng recess at simula na rin ng pagpapanggap namin ni Bryle and speaking of. Nakita ko si Bryle na nakaabang na sa may pinto ng room.



OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon