Chapter 3

6.4K 147 1
                                    

By the way, I think I forgot to introduce myself. I'm Bryle Nickolo Sevilla, hindi naman sa pagmamayabang pero kilala ako sa school namin dahil sa sandamakmak kong fangirls. Kung kasalanan ba naman ang maging gwapo, sorry na agad. Kahit din naman ako eh nahihirapan din, kaya nga nauso ang pogi problems dahil sa akin. Hindi ko naman kasi kasalanang ipinanganak akong gwapo. Minsan naiinis na din ako sa magulang ko kung bakit sa akin na naipon ang lahat ng kagwahupan, yun siguro ang dahilan kung bakit wala akong kapatid. Ang unfair naman kasi sa akin na napunta yung handsomeness, kindness na lang matitira sa kanya hahaha. Anyway, sa dami ng mga babaeng nabibighani sa aking pagmumukha, isa lang talaga ang nakabihag ng puso ko, si Natasha. She's absolutely perfect. Kaya nga ang swerte ko sa kanya at syempre ganon din siya sa akin. Gusto niyo bang ikwento ko sa inyo kung paano kami nagkakilala?

Kababata ko si Natasha. Parang simula pa ata nung ipinanganak ako, siya na ang unang dyosang nakilala ko. Nagkahiwalay kami nung mag aral ako sa ibang bansa tapos pagbalik ko naman dito sa Pinas, siyang alis naman niya. Luckily, pinagtagpo pa rin kami ng tadhana. Though, hindi na siya tulad ng dati. Syempre may mga bagay na nagbago. Siguro sa pananamit? pananalita? o pag uugali niya but I don't care kung ano pang magbago sa kanya dahil para sa akin, siya pa rin yung Natashang nakilala ko many years ago.



Naglalakad kami ngayon ni Natasha pabalik sa room namin since kakatapos lang ng recess. Habang naglalakad kami nakita ko ulit yung babae kanina, yung tinulungan ko at-- HAHAHAHA okay basta siya yun. Nginitian ko siya at ngumiti din naman siya sa akin.

"Hey, who is she?" alam niyo bang pinaglihi sa agila si Natasha kaya lahat ng kilos ko nakikita niya. Agad niyang ipinihit ang mukha ko paharap sa kanya.

"Ha? Sino ba?'' tanong ko. Syempre, sa dami ba naman ng babae sa hallway hindi ako sigurado kung sino sa mga yun ang tinutukoy niya.

"Sino pa ba? Edi yung nginitian mo!"

"Ahh. Wala yun, siya yung sinasabi ko sayong tinulungan ko kanina. Remember?"

Wala naman siyang dapat ipagselos, kahit maraming umaaligid, loyal pa rin ako.  Saka ni-hindi ko nga alam ang pangalan nung babaeng yun. Hindi ko manlang naitanong yung pangalan niya, kung bakit kasi nakalimutan ko pang itanong yun kanina. Napansin ko na sumimangot ang muka ni Natasha.

"Walang ka-class class, wala naman pala akong dapat ipag-alala."

"Anong sabi mo babe?" napansin ko na parang may binubulong si Natasha habang nakatingin sa babaeng dumaan kanina pero medyo mahina kaya hindi ko gaanong naintindihan.

"Ahh wala. Sabi ko male-late na tayo sa next class. Let's go?"

Sabi niya sa akin sabay hila papunta sa room namin.




--






Jessa's POV:

Nag didiscuss ngayon si Mr. La Torre ang teacher namin sa Math. Since hindi naman ako magaling sa math, hindi ako nakinig. Nahihirapan kasi akong magfocus lalo pa't may mga gumugulo sa aking munting utak.

Kung hindi ako nagkakamali, yung nakita kong kasama ni Bryle kanina, yun siguro yung Natasha na girlfriend daw niya. Grabe ang ganda, mukhang barbie doll. Kaso may isa pang gumugulo sa isip ko eh, para kasing may narinig ako kanina..

"Walang ka-class class.."

Hindi ako masyadong sigurado sa narinig ko at sa kung sinong nagsabi non, pero parang bigla kong naramdaman na para yun sa akin. Hayy, ewan ko ba, siguro naiistress lang ako ngayon kaya kung anu-anong naririnig ko.

OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora