Chapter 7

4.5K 124 3
                                    

At sa wakas pagkatapos ng 5 hours na klase. Narinig ko na ang tunog na pinakahihintay ng lahat. Ang tunog ng bell. Finally, uwian na.



"Goodbye and thank you Ms. Fabella, See you tomorrow" chorus naming lahat. Si Ms. Jonnalyn Fabella ang adviser namin.

"Bes, andun na yung boyfriend mo oh!" - - pabirong sabi ni Cristene.

Naptingin ako sa pinto at nakita ko ulit si Bryle na nakaabang. Kumaway siya sa akin. Ngumiti na lang ako.

"Hahaha, ikaw talaga. Mauna na ako." - nagpaalam na ako sa kanya. Inayos ko ang mga gamit ko. Napatingin ako sa relo ko, 2:15 pm pa lang. Pinuntahan ko na agad si Bryle sa labas ng room namin.

"Ano? Tara na?" - tanong niya.

"Hahah sige." - excited na sagot ko.





Hinawakan niya ulit ang kamay ko tulad kanina. Sana ganito na lang lagi. Hahaha. Pumunta na kami sa parking lot ng school, nakita ko yung kotse niya. Grabe, ang ganda. Pinagbukas niya ako ng pinto at pinasakay sa loob.





Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Bryle Nickolo Sevilla. Waaaaah. Hahahah. Ang saya, kahit dito na lang ako maghapon okay lang. Sumakay na rin siya at nagdrive, papunta kami ngayon ni Bryle sa kung saan. Wala akong idea kung saan kami pupunta.

Ayoko ng pumara kahit san mapunta. Ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama. Hahaha lakas maka Yeng Constantino.

At matapos pa ang ilang minuto nakarating kami sa isang mall. Pinark ni Bryle yung kotse niya at bumaba na kami agad. Syempre excited ako. Ngayon lang ako nakapunya sa mall at kasama ko pa si Bryle. Hindi naman kasi ako mahilig magshopping.











**





Bryle's POV:




Dinala ko sa mall si Jessa para nama kahit papano, mapasaya ko siya. Alam kong sobrang naapektuhan siya sa sinabi nung mga babae kanina. Nagi-guilty ako kaya gusto kong makabawi.

Pagpasok namin sa loob napansin kong manghang mangha si Jessa, na para bang first time niya lang makapasok dito.


"Ngayon ka lang ba nakarating dito?" - tanong ko.

"Ah, oo eh. Hindi nama kasi ako mahilig maggala o kaya magshopping." - sagot niya.

"Pwes. Ngayon kasama mo na ko, mararating mo na ang mga lugar na di mo pa napupuntahan." sabi ko sabay akbay sa kanya. Dumeretso kami sa Department store.

"Pumili ka na ng mga gusto mo.'' - sabi ko sa kanya.

"Ayoko. Wala akong pera. Saka hindi naman ako nagsusuot ng mga ganyan"


"Ililibre nga kita." napakakulit niya, kanina ko pa sinasabi na ako na ang manlilibre sa kanya pero parang hindi siya nakikinig.

Tinititigan lang niya yung mga damit, ni hindi man lang niya hinahawakan. Nakakita kami ng mga dress, accessories, bags at mga sapatos, pero wala manlang siyang ipinabili kahit alin sa mga yon.

Hay, kung si Natasha ang kasama ko? Malamang marami na siyang nabili.

Since ayaw niya namang pumili, ako nalang ang bibili para sa sarili ko. Pumunta kami sa Men's wear. Napansin kong umalis si Jessa sa tabi ko, napatingin ako sa kanya. Kinuha nya yung isang kulay dark blue na polo at lumapit sa akin.

"Isukat mo, bagay to sayo oh. Haha " - sabi niya sabay abot sa akin ng polo. Ang saya niya. Nakakatuwa.

Pumasok na ako sa fitting room at sinukat yung polo na inabot ni Jessa. Hmm, tama siya bagay nga sa akin. Syempre sa sobrang gwapo ko, lahat bagay sa akin.





OPERATION: Make Her Jealous [REVISING]Where stories live. Discover now