The New Servant

26 7 46
                                    

20

Itinaas muli ni Damien ang wand niya atsaka niya tinutok iyon sa mga paa ko at pagkatapos 'nun ay malaya ko na ring naikikilos ang mga paa ko.

"Ngayon," ani niya. "Ano ngayon sa dalawang teorya ko ang susuportahan mo?" tanong niya sa akin.

"Ulitin mo nga ang huling sinabi mo," 'di makapaniwalang sabi ko. "A-Ang mama ko?"

"Teorya ko lang iyon," sabi ko. "Hindi pa ako sigurado. Tingin mo, kung mama mo nga iyon bakit naman siya papatay ng tao?" takang sabi niya. "Ikaw ang anak, ano sa tingin mo?"

"Malabo na ang memorya ko tungkol sa kanya," sabi ko. "Hindi ko naman siya nakasama ng matagal."

"Nakakalungkot naman," komento niya pero hindi ko alam kung bakit medyo nainsulto ako sa tinuran niya. "Pero gaya rin ng unang sinabi ko, posibleng nagsisinungaling rin si Vayne sa sinasabi niyang kondisyon para magaya ang anyo ng isang tao. Posibleng ginaya niya ang anyo mo nung araw na namatay ang lalaking tinutukoy ko."

Magsasalita na sana ako pero kaagad niya akong naunahan, "Alam kong ko-kontra ka kaagad sa sinabi ko." tumango tango siya. "Naiintindihan ko naman dahil malalim ang pagkakaibigan niyo at kung itrato niyo ang isa't isa ay para na rin kayong magkapatid."

"Hindi lang iyon," kaagad na kontra ko. "Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong naniniwala na walang kinalaman si Vayne."

Muli akong nagsalita, "Kung nagsisinungaling nga si Vayne sana wala na lang namatay na mga tao rito. E'di sana kasama ko pa siguro ang mga magulang ko. Hindi ba't ang motibo ay ang mga mahika nila kaya sila namatay?"

"Oo, tama ka nga," sabi ni Damien. "Iyon nga ang motibo kung kaya't posibleng may kulang sa binanggit ni Vayne," ani niya. "Paano kung may kakayahan talaga siyang gayahin ang anyo ng tao pero makukuha lang niya ang mahika ng mga ito kapag pinatay niya?"

"Pero huwag ka mag-alala. Posible rin namang mali rin ang pinupunto ko eh dahil may isa pa naman akong teorya," sabi pa niya.

"Sige, ipaliwanag mo," seryosong sabi ko. "Makikinig ako sayo."

"Kung inosente naman talaga si Vayne, baka may isa pang katulad niya ang nandito sa lugar na ito. At iyon ang may kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang mo. Kaya posibleng ang mama mo ang nakita ni Celestia na pumatay sa lalaki. Dahil biktima ang mama mo kaya posibleng may kakayahan na ang taong iyon na gayahin ang anyo niya."

Nanliit ang mga mata ko.

"Hindi rin naman sigurado si Celestia na ikaw ba talaga ang nakita niya kaya nga nagtanong ako sayo para kumpirmahin iyon. Pero ayun nga, sinabi mo na totoong nakapatay ka ng isang tao."

Nanahimik ako at bigla akong napaisip sa mga binanggit niya sa akin. Naguguluhan man ako pero may nararamdaman akong kutob. Parehong may punto ang mga sinasabi niya at malakas ang kutob ko na isa sa mga teorya niya ang katotohanan. Kailangan lang ng karagdagang impormasyon at ebidensya para malaman kung alin sa dalawa ang tama.

"Hindi ko alam," naguguluhang sagot ko habang nakakunot-noo.

"Ibig sabihin naniniwala ka rin na posibleng nagsisinungaling si Vayne?"

"Hindi," mariing sagot ko. "Naniniwala pa rin akong inosente siya."

Napuno nang pagtataka ang mga mata ni Damien. Napailing iling na lang ako atsaka ako iritadong napabuntong hininga.

"Kung ganun," ani Damien. "Makipagtulungan ka sa akin."

Dahan dahan akong napatingin sa kanya atsaka unti unting napuno naman ng pagtataka ang mukha ko.

Rose RedWhere stories live. Discover now