The Witness

64 16 12
                                    

09

"Pwede po bang magtanong?"

Naalala ko nung mga panahong nasa labing tatlong taong gulang pa lang ako. Wala na ako sa poder ng isang pamilya na nanakit at nag-abuso sa akin. Pero pabalik balik pa rin ako sa pampublikong librarya para paulit ulit kong hiramin ang librong may nilalaman na impormasyon tungkol sa magulang ko.

Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng tagapagbantay ng librarya. Kaya tumikhim naman ako bilang senyales na nag-aabang ako ng sagot niya.

"Nagtatanong ka na, hija," pamimilosopo niya sa akin. "Ano ba iyon?" medyo iritado pa ang tono ng boses niya habang nagtatanong.

"Saan po matatagpuan ang may akda ng libro na ito?" pinakita ko sa kanya ang manipis na librong hawak ko.

Kinunotan naman niya ako ng noo at bahagyang binaba niya ang salamin niya, "Ano ba tingin mo sa amin 'ha? Sa dami ng libron inaalagaan namin sa tingin mo may oras pa kami para alamin ang may-akda ng mga libro? Mag-isip isip ka nga!"

Napabuntong hininga na lang ako. Pero nag-lakas loob akong magtanong muli.

"Pwede po bang akin na lang ang librong ito?"

Napataas na naman muli ang kaliwang kilay niya, "Ano ka ba?!" inis na singhal niya sa akin at nagulat naman ako ng hablutin niya ang libro mula sa akin. Akmang kukunin ko naman ito muli mula sa kanya pero bigla na lang itong naglaho mula sa kamay niya.

"Hindi pwede," mariing saad niya. "Pagmamay-ari ng librarya na ito ang libro na iyan. Kahit nakawin mo pa yan, kusa at kusang babalik iyan sa libraryang ito. Naiintindihan mo?"

"Pero kailangan ko po ang libro na iyan," katwiran ko. "Matagal nang nawawala ang mga magulang ko at nakapaloob dyan ang mga impormasyong tungkol sa kanila."

"Sumusunod lang kami sa alituntunin ng libraryang ito," ani niya habang inaayos ang salamin niya. "At kung ako sayo, umalis ka na. Ayoko sa mga taong makukulit at hirap makaintindi!"

Wala akong nagawa kundi umalis sa harapan niya.

Sumunod na araw ay muli akong bumalik sa libraryang iyon at hinanap ko muli ang libro. Kinabisado ko ang pangalan ng may akda. Nang makabisado ko ay saka ako nagtanong tanong sa mga tao kung may kilala ba silang ganoong pangalan.

"L. A. Fayeress," banggit ko sa pangalan ng may akda ng libro. "May kilala po ba kayong ganoong pangalan?"

Umiling lang sa akin ang isang babaeng manunulat ng mga balita sa bayan, "Pasensya na, binibini," iyon na lang ang tanging sinabi niya sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako at umalis.

Kung saan saan ako napadpad pero wala akong napala sa kahahanap sa misteryong manunulat ng libro na iyon. Kung kilala niya lahat ng mga naging biktima, malamang ay may ideya na siya kung ano ang mga posibleng nangyare sa kanilang pagkawala.

Posibleng siya ang susi sa mga sagot na matagal na naming hinahanap ni Snow White.

~*~

"Wala ba talaga kayong balak sabihin sa akin kung bakit nagising akong nakahubad kanina?" tanong ni Vayne habang kumakain kaming tatlo. Nakadamit na siya ngayon.

Pasimpleng sumulyap sa akin si Damien na parang nagsasabi na ako na bahalang sumagot kay Vayne.

"Hulaan mo," tugon ko atsaka ako sumubo ng pagkain.

Napakunot noo si Vayne, "Hinubaran niyo kong dalawa?"

Napatawa naman ako, "Bakit ka naman namin huhubaran? Baliw!"

"Lasing ba ako kagabi?" tanong niya. "Imposible naman iyon dahil hindi ako basta basta nalalasing."

"Talaga lang 'ha?" ani ko. "Lasing na lasing ka nga eh 'nung uminom kayong dalawa ni Damien."

Rose RedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin