Escape or stay

48 11 18
                                    

13

Nasa kamay ko na ang susi para makalabas sa lugar na ito. Ang problema nga lang ay namamanhid pa rin ang kanang hita ko kaya hindi pa ako makakatayo at makakalakad ng maayos.

Kailangan ko nang mapuntahan kaagad si Vayne.

Sana lang ay maayos ang kalagayan niya ngayon. Kahit alam kong kakayanin naman niya dahil sa kakayahan niya. Pero kahit na ganoon ay posible pa ring manganib ang buhay niya sa mga nilalang na pwedeng umatake sa kanya.

Pero paano kung mas lalo siyang mapahamak kapag sinundan ko siya. Paano kung sundan ako ng mga taong gustong humuli sa kanya?

Pero nangako ako kay Vayne. Nangako ako na susundan ko siya. Paano rin kung may masamang mangyare sa kanya habang wala ako sa tabi niya?

Sumapit ang gabi, ginalaw galaw ko ang kanang binti ko para mailakad ko na ito ng maayos. Medyo nawawala na ang bigat nito pero hindi pa rin sapat para makatakbo naman ako ng mabilis.

Sinubukan kong tumayo nang dahan dahan at nagtagumpay naman ako pero kailangan ko pang humawak sa pader para mabalanse ko ang bigat ko.

Sapat na siguro ito para makatakas ako at kaagad kong mapuntahan si Vayn---

Napakunot noo ako at bigla akong naging alerto nang makarinig ako ng yapak ng tao. Mabibigat pero dahan dahan ang paghakbang ng misteryosong tao na iyon at alam kong palapit ito ng palapit sa kulungan ko.

Hanggang sa magpakita sa akin ang isang pamilyar na mukha.

"Magandang gabi," tipid na ngiting bati nito sa akin. "Mabuti naman at medyo nakakatayo ka na rin ng maayos."

Hindi ako kaagad nakaimik dahil hindi ko inaasahan na magkikita pa kaming muli. Tanging naging tugon ko lang siya ay ang pagkunot-an siya ng noo.

"Hindi mo na ba ako naaalala?" nakangiting tanong nito sa akin.

Sarkastikong ngumiti ako sa kanya, "Hindi kita ganun kaagad agad kalilimutan, Rolan."

Napangiti naman siya nang mabanggit ko na ang pangalan niya.

"Anong ginagawa mo pala dito?" nakasimangot na tanong ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"Nandito ako para kamustahin ang kalagayan mo," nanliit naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nakakapagtaka kasi yung sagot niya sa tanong ko.

Mahinang napatawa naman ako nang pasarkastiko, "Bakit? Kaibigan ba kita?"

Hindi siya nagpatalo at mahinang tumawa rin sa tinuran ko, "Grabe ka naman magsalita," natatawang komento niya. "Edi bilang magkakilala na lang."

Napairap naman ako sa kawalan at mukhang napansin niya rin iyon dahil narinig ko na naman muli ang mahina niyang tawa.

"Atsaka," sabi pa niya. "Nakakatuwa ka kaya pagmasdan. Akalain mo iyon, hindi ka man nakulong dahil sa pagnanakaw mo ng gamit ng prinsesa pero nakulong ka naman dahil sa pangingielam mo kay Godric."

"Godric?" ulit ko sa pangalang binanggit niya. "Ang walanghiyang iyon! Yun ba ang pangalan ng may gawa nito?!" sabay turo ko sa kaliwang hita ko. Hindi siya tumugon pero alam ko na tama ako.

"Mukhang malaki ang galit mo sa kanya," komento ni Rolan dahil sa pagtaas ng boses ko atsaka siya kumibit balikat. "Hindi kita masisisi, mapanakit talaga ang mga sandata ng kapitan na iyon."

Muli siyang nagsalita, "Huwag ka mag-alala, baka bukas ay magkakaharap muli kayo. Maaari mo nang mailabas lahat ng hinanakit mo sa kanya," sabi niya. "Kaya lang, baka muli niyang gamitin ang mga mahiwagang sandata niya sayo para makakuha ng impormasyon mula sa kaibigan mo."

Rose RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon