Whispers at Dawn

36 5 44
                                    

22

Gaya nga ng unang sinabi ni Damien sa akin kanina, ang magiging kwarto ko ay malapit rin sa kwarto niya bilang tagapaglingkod niya.

Nang unang beses akong makatapak sa kwarto ay hindi ako kaagad makapaniwala sa nakita ko. Alam kong para sa mga katulad ni Damien, ordinaryo lang ang kwartong ito para sa kanila. Pero para sa akin, hindi. Ito ang pinakaunang beses na magkakaroon ako ng sariling kwarto at kahit pa na mas simple ito kaysa sa mga kwarto ng mga maharlikang naninirahan rito. Ito pa rin ang pinakamagarang kwarto na matutulugan ko.

At dito? Dito na rin nga pala ako gabi gabi nang matutulog mula ngayon!

Hindi ako makapaniwala, parang akong nananaginip nang gising!

Kaya lang nang tuluyan nang lumalim na ang gabi, ang pag-aakala kong magiging sobrang mahimbing ang tulog ko sa kwartong ito ay isang ilusyon lang pala. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na kasalukuyang nakasandal pa rin sa headboard at dilat na dilat pa rin ang mga mata. Kahit anong pikit ko ay hindi ko pa rin mahila ang sarili ko sa pagkakaantok. Marahil, naninibago siguro ako sa lugar na ito.

Bigla akong napatingin sa markang nakaukit sa palad ko dahil sa kagagawan ni Damien. Sinundan ko naman ang mga linya nito gamit ang hintuturo ko. Dahil rito ay muli kong binalikan ang ideyang sumulpot sa isipan ko kamakailan lang.

Napakaposible naman ng iniisip ko, hindi 'ba? Mula sa umpisa iyon lang naman ang gusto ni Damien. Ang maging tagapagmana, kaya para mapatunayan ang sarili niya na karapat dapat siya malamang ang ideyang papasok sa isip niya ay ang maging isang bayani.

Tinitigan ko nang maigi ang marka sa palad ko.

"Pareho kong teorya iyon kaya hindi ko alam ang pipiliin ko sa dalawa. Kaya nga kailangan kita eh."

"Hindi niya na gustong ituon pa ang oras at pagod sa ganyang bagay. Marami nga siyang nilalaman pero wala siyang tiwala sa sarili niya para maghanap nang pumapatay."

Bigla kong naalala ang sinambit sa akin ni Damien nung hindi ko inaasahang magkita kaming dalawa sa tahanan ni Ginoong Edward. Atsaka ko rin naalala ang sinabi ni Ada sa akin patungkol naman sa tiyo niya.

Sumulpot ang isang munting ngiti sa labi ko. Ngayon napatagpi-tagpi ko na ang lahat.

Lumapit siya sa akin dahil posibleng tinanggihan siya ni Ginoong Edward at iyon rin siguro ang posibleng mangyare sa akin kapag tinuloy ko ang paglapit rin sa kaniya.

Sinara ko naman ang palad ko atsaka ako nagpakawala ng hininga.

Kinabukasan, nagawa ko namang gumising ng maaga kahit pa ay napuyat ako kagabi dahil sa paninibago ko sa pagtuloy rito. Kaagad kong inayos ang sarili ko pati ang kasuotan ko pagkatapos ay agad agad akong dumiretso sa kusina para kunin ang pagkaing ihahain sa prinsipe para sa kanyang almusal.

Nakasalubong ko pa sa daan si Ginoong Edward kaya kaagad ko naman siyang binati. Hinabilin niya naman sa akin na pakisabi raw sa prinsipe na magka-klase sila sa pagsapit ng alas-nwebe ng umaga. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon atsaka ko tinuloy ang paglalakad ko.

Nang makarating na ako sa pintuan ng kwarto ni Damien ay kaagad kong kinatok ang pinto.

"Damien?" tawag ko sa kanya habang kinakatok ang pinto. "Mahal na prinsipe?"

Dinikit ko ang tenga ko sa pinto at muli kong kinatok ang pinto habang tinatawag ko siya pero wala akong narinig na tugon sa loob ng kwarto.

Pinihit ko naman ang seradura at walang pag-aatubili kong binuksan ang pinto. Kaagad namataan ng mata ko si Damien na kasalukuyang mahimbing ang tulog sa magara niyang kama. Naririnig ko pa ang munting hilik na ito. Akala mo naman may mabigat na trabaho ang isang 'to.

Rose RedWhere stories live. Discover now