Chapter 17

1.7K 46 13
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Asher sa nasksihan kanina. Alam nyang wala syang pakialam at dapat hindi sya maapektuhan sa mga nakita pero may kung ano syang nararamdaman na hindi nya maipaliwanag. "Hindi! Wala dapat akong maramdaman, siguro nagulat lang ako sa mga nakita ko... First time ko ba namang nasaksihan na may nagmi-making out session sa harapan ko! Tama, nagulat lang ako" pilit nito sa kanyang sarili. 

Kanina pa lumilipad ang isip ng dalaga hanggang sa napansin na ito ni Richard na kaharap nya lamang sa lamesa. Nagkakape sila ngayon sa isang malapait na coffee shop sa opisina nila.

"Ash are you okay?" tanong nito. Tsaka naman nito nakuha ng atensyon ng dalaga. "You don't look alright."

"Ah eh pasensya na Mr. Gutierrez ah"nakangiting sabi ni Ash.

"Tsk,, drop the Mister Ash, Chard just Chard" nakangiting tugon naman ni Richard.

"Ok po :) Ah, nasan na nga tayo?" sabi ni Ash.

"Haaay... ang cute nya talaga.." mahinang sabi ni Chard.

"Ano po yun?" tanong ni Ash.

"Nope, never mind, so about dun sa sponsorhip kami na ang bahala dun, i will ask my secretary to process the necessary papers and the funds, ano nga palang target group natin?" tanong ni Chard.

"Ah, yung target po kasi natin ay ang mga bata sa Cavite, actually more likely sila yung mga out of school youths. Gusto sana namin na bigyan sila ng training or short courses in cooperation din sa TESDA, in that way eh kahit papaano may skillset sila na pwede nilang gamitin para makahanap ng trabaho eventually.." paliwanag ni Asher.

"That's great, that looks so promising..." tugon naman ni Chard.

"Naku thank you po talaga Mr, Gutie... este Chard pala.. hehehe" nakangiting tugon ni Asher.

"No worries Ash, anything for you..." sagot ni Chard. "Oh by the way, about Randy earlier, sorry nga pala about that ah, kilala mo naman yung pinsan kong yun"

"Ah, sus wala yun noh Ano ka ba? Nagulat lang din ako pero wala lang yun..." sabi ni Asher kahit apektado sya... 

"I'm hoping this would not be the last time we'll see each other"

"Hehehe, of course, of course..." sabi ni Ash saka tumayo, nilahad nya ang palad nya para makipagkamay kay Chard pero imbes iyon ay kinuha nito ang kamay nya at saka bineso sya, medyo nagulat naman si Asher.

"You alright?" tanong ni Chard.

"Ah opo naman" nahihiyang tugon ni Chard. Tiningnan sya ng diretso ni Chard at saka ngumit ang dalaga. 

"You know what Ash, i'm really hoping that this would not be the last time i'll see you coz you know what? I really like you!" seryosong sabi ni Richard.

"Po?" hindi makapaniwala si Ash.

"I said i really like you" sabi ni Richard..

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon