Chapter 7

1.5K 19 0
                                    

Bago umuwi si Asher ay nagdecide syang tawagan si Richard A. Gutierrez sa number na nasa calling card na binigay sa kanya ni Atty. Marquez. Pinraktis muna ng dalaga kung ano at paano nya sasabihin ang pakikipag-settle. Nagdadalawang isip si Asher sa gagawin pero mas nangingibabaw ang nakita nya kanina sa ina at ang pag-aalala nito sa lagay ng kanyang lola sa probinsya. Huminga muna ng malalim ang dalaga at dinial ang numero sa calling card na binigay.

Ring. ring.

"Hello! Rachelle here of the Office of the Vice President.", sabi ng sumagot na babae sa kabilang linya.

Hindi agad nakasagot ang dalaga, mukhang medyo nagulat.

"Hello?!" tanong ulit ni Rachelle, ang sekretarya ni Richard.

"Yes... Uhmmmm.. this is Asher Geronimo, uhmmm.. nandya po ba si Mr. Richard A. Gutierrez?" medyo nahihiyang tanong ni Ash.

"Uhmm.. By the way ma'am, is he expecting a call from you po ba?" nagtatakang tanong ni Rachelle.

"Ah, hindi ko sure eh, pwede pakisabi na lang na ako yung nabangga, este, yung kinausap ni Atty. Marquez about po dun sa settlement" sabi ni Ash. Hindi nya alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon nya sa sekretarya.

"Settlement? Para saan po?" pag-iinteruga ni Rachelle.

"Ah, tsk... paano ba 'to? Uhmmm.. kasi ganito yun, may atraso sya sa akin, so kelangan ko sya makausap.. yun nga, may atraso sya, alam nya na yun for sure! Pakisabi naman po please." pakiusap ni Ash.

Silence.

"Ok po, kasi medyo busy sya ngayon eh, pero i'll check po with him... Sandali lang po" sabi ni Rachelle.

"Sige, salamat po." malambing na tugon ni Ash... Bumabawi ng hiniga si Ash habang hinihintay ang sekretarya sa kabilang linya... Naisip nya na kung hindi  nya makakausap ang binata ngayon, itatanong nya na lang kay Rachelle kung may contact sya kay Atty. Marquez.

________________________________________________

Pumasok si Rachelle sa loob ng opisina ni Richard, busy ang boss nya sa pagpirma ng mga dokumento.

"Sir, there is a certain Asher Geronimo on the phone line, she wants to speak with you regarding a certain settlement.." paliwanag ng sekretarya nya.

Napaisip ang binata. Settlement? "Settlement daw for what?" tanong ni Chard sa sekretarya.

"Hindi nya po inelaborate sir pero sinabi nya na may atraso daw po kayo sa kanya at si Atty. Marquez daw po ang kausap nya" sabi ni Rachelle.

"Oh I see.." nagtatakang tanong ni Richard. "Pass the call to my line then" dagdag ni Richard.

Nagtataka man ay sinunod ni Rachelle ang utos ng amo. "Ok sir" tugon nito.

"Tsk. tsk... You owe me bigtime Randy" sabi ni Chard sa sarili habang itinutuloy ang pagpirma sa mga dokumento.

Maya-maya ay nag-ring na ang telepono ni Chard. Hinahanda nya na ang kanyang sarili.

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ