Chapter 3

1.6K 18 0
                                    

Yan po Chapter 3 na... Enjoy!

Sinundo ni Asher ang nakababatang kapatid sa school nito. Tinawagan na nya ang opisina nila to inform them on what happened to her.  Her officemates is kinda shocked sa nangyari sa kanya but they told them not to worry and papasok na sya bukas. 

Hindi nya naman madalas sunduin ang kapatid na si Kath kaya nagtataka ang dalagita nung nagtext ang ate nya na susunduin sya sa school. Nasa fourth year high school na si Kathryn at isa sya sa mga honor students ng school nila. Mahal na mahal nya ang ate nya dahil alam nya kung gaano ito maalaga at mapagmahal. Very proud si Kathryn sa Ate Pot nya dahil sa advocacy nitong makatulong sa maraming mahihirap through her work sa foundation na pinagta trabahuhan nito.

"Oh ate, anong nangyari sayo?" tanong ng kapatid habang tinitingnan ang benda nito sa braso.

"Naku, wala 'to... Nabangga ako kanina.." sabi ni Asher.

"Ha?! Nabangga? Saan?" tanong ni Kath habang naglalakad silang mag-ate palabas ng school.

Kinwento ni Asher ang nangyare sa kanya at sinabihang wag na magkwento sa Mommy nila, ayaw nya kasing mag-alala pa ito at dagdagan ang problema.

Habang naglalakad sila, may nag-approach sa kanilang binatilyo. Tinawag nito ang pangalan ni Kathryn habang sabay namang lumingon ang mag-ate. Pumunta ang binatilyo sa harap nila at kinausap sandali si Kathryn. May dala-dala itong teddy bear at long stemmed rose.

"Ah ate, si Danny po pala..." pagpapakilala ni Kath.

"Uhmm.. hello po..." sagot ni Danny habang iniabot ang kamay nito kay Ash.

"Hello din.." sagot ni Ash..

Sa ibang school nag-aaral si Daniel, halata sa pananamit ng binatilyo na galing ito sa mayamang pamilya.

"Kayo po pala yung ate ni Kath, magkamukha nga kayo, pareho kayong maganda!" sabi ni Dan.

Natawa naman si Ash sa komento ng binatilyo... "Aba! Marunong kang bata ka ah, hahaha" sabi ni Ash. "Nililigawan mo ba 'tong kapatid ko? ha?" diretsong tanong ni Ash.

Kinurot nman ni Kath ang ate nya. "Ate naman!" pabulong na sabi ni Kath.

"Aba eh tinatanong ko lang naman eh, " sagot naman ni Ash sa kapatid.

"Pwede ho ba?" tanong naman ni Dan.

"Ah eh, oo naman, basta sa susunod sa bahay ka manligaw ah, !" malambing na sabi ni Ash habang hawak- hawak ang kapatid sa bewang nito.

"Sige po salamat, makakaasa po kayo Ate Pot" sabi ni Daniel.

Siniko naman ni Kath si Dan. "Anong Ate?! Maka-ate naman 'to!" sabi ni Kath.

"Naku kayo talaga, o sya tama na yan. O pano Danny, una na kami ni Kathryn ah. At yug sinabi ko, sa bahay manligaw ah," biro dito ni Ash

"Ate talaga..." reklamo ni Kath.

"eh totoo naman eh, " sagot ni Ash sa kapatid.

Nagpaalam na ang magkapatid kay Danny. 

Masayang nagkikwentohan ang magkapatid habang nasa jeep. Naikwento ni Ash kay Kath yung tungkol sa attorney at dun sa nakabundol sa kanya. indi naman nya nakita talaga ang mukha ng nakabunggo sa kanya dahil nga nahimatay na sya dahil sa sobrang shock sa nangyari.

"Naku naman kasi Ate eh, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh, yan tuloy" sabi ni Kath habang tinitingnan ang sugat ng ate sa braso nito.

"Ewan ko nga ba, talagang wala lang ako sa hulog kaninang umaga... basta wag mo na lang 'to sabihin kay Mommy ah, ayokong mag-alala pa yun" sagot naman ni Ash.

"Eh paano daw yung settlement, nagpa-areglo ka naman ba?" tanong ng kapatid.

"Hindi pa nga eh, hindi ko pinirmahan yung waiver na sinasabi nung attorney... Ano sila siniswerte? Eh pano na lang kung namatay ako dahil sa mokong na yon, eh di ipapalibing lang ako tapos bigyan lang kayo ng pera ayos na? Ganon? Naku ah!" reklamo ni Ash.  "Pano kung sa mga mahirap nangyari yun? Para saan pa ang mga parak at social equality kung ganon?!" bulalas ni Ash.

"Buti na lang talaga ate walang nangyari sa'yo... kung nagkataon baka pinaglalamayan ka na namin ngayon" biro ni Kath.

"Huy! Knock on wood ka nga... Basta pag alam mong nasa tama ka, ipaglaban mo. Wag kang matatakot ah!" sabi ni Ash sa kapatid habang nakayakap dito.

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Where stories live. Discover now