Chapter 15

1.9K 47 9
                                    

"I just wanna be with you..." bulong ni Randy.

Oppa Gangnam Style!

"Ha??!! Ano yun??! Ang ingay eh..."

Randy pouts.

"Oh baket? Ano bang gusto mo?" tanong ni Ash.

"Never mind! Lets eat!" pasigaw na sabi ni Randy para magkarinigan sila. Hinila nya naman si Asher para sumama sa kanya.

Medyo naiinis naman ang dalaga sa tinuturan ng binata, kanina lang eh ang lambing lambing, ngayon naman ang angas angas nito, hindi nya maintindihan. Hindi rin naman maintindihan ni Randy ang sarili nito, nagulat rin ito sa sinabi kay Ash, "Do i really wanna be with her?" tanong nito sa sarili, he shrugged the feeling off his system, it can't be, he is convincing himself that he just misses to do it with a girl, it's been almost a week since the last time he went to bed with a woman and Asher for him don't look like a woman, she looks like a girl who just graduated high-school, she will not pass on his taste. 

Napansin naman ni Ash na kanina pa nakakunot ang noo ng binata, nagtataka sya pero naalala nyang hawak-hawak pa rin ng binata ang bag ng pera at hindi pa ito ibinibigay sa kanya, marahil ay ibibigay ito sa kanya habang kumakain sila. Binilisan naman nya ang paglalakad para mahabol ang binata, ang isang hakbang ng binata ay katumbas ng dalawa sa kanya, napansin din nyang kanina pa nakahawak sa braso nya ang binata at medyo nasasaktan na sya bukod pa sa dahilang pinagtitinginan na sila ng mga taong nakakasalubong. 

"Wait! Randy!"  sabi nya dito.

Hindi naman sya pinapansin, marahil ay hindi sya nito narinig.

"Randy!" sigaw nito. Tsaka naman tumingin ang binata.

"Nasasaktan na ko. Baka pwede mo akong bitawan"

Tiningnan naman ni Randy ang braso ng dalaga at tsaka binitawan ang braso, mukhang nasasaktan nga ang dalaga dahil medyo namumula ang braso nito.

"Follow me" sabi nito kay Ash.

"Tsss... sungit" bulong naman ni Ash sa sarili.

Maya-maya ay pumunta sila sa 3rd floor ng mall at dumiretso sa isang mamahaling restaurant. Dumiretso sila sa loob at binati ng staff na nagbabantay sa pintuan. Hindi naman ito pinansin ni Randy habang ngumiti naman si Asher dito... Bihira lang makakain sa mga ganitong resto si Asher, madalas ay tuwing may inaatendan lang syang malalaking conference sa trabaho nya.

Dumiretso ang binata sa isang table for two. Umupo rin naman si Ash sa tapat nito. Tahimik ang dalawa hanggang sa pinuntahan sila ng waiter at tinanong kung anong order nila. Hindi na sya pinnagsalita ng binata at ito na ang umorder sa kanya. Habang hinihintay ang orders ay tahimik ang dalawa.

"Hey/Hoy" sabay silang nagsalita.

"Mauna ka na" sabi ni Ash.

"Nope. You go first"sagot naman ni Randy,

Huminga muna si Asher at pilit na binuo ang mga sasabihin sa kanyang isip.

"Bakit pumunta pa tayo dito? Nagugutom ka pa ba?" tanong ni Asher.

Wala namang masagot agad si Randy. Hindi rin mainitindihan ng binata ang sarili, gusto nya pang makasama ang dalaga ng mas matagal dahil alam nitong kapag binigay nya na ang pera ay baka hindi na sila magkita pa.

"Huy!" istorbo ni Ash sa binata sabay hampas sa braso nito.

"I'm hungry eh" dahilan nito.

"Eh bakit sinama mo pa ako?" 

"Why do you keep on asking? Let's just eat ok?!" inis na sabi ni Randy na ikinatahimik naman ni Asher. Napansin naman ni Randy na napagtaasan nya ng boses ang dalaga, he kinda felt sorry about it but his ego is saying that he should not, he is Gerald Randolph Anderson for God' sake.

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora