Chapter 13

2.1K 46 14
                                    

Inis na inis na umuwi si Asher sa bahay nila. Hindi pa rin mawaglit dito ang nangyari sa kanila ni Randy. Hindi nya akalain na sa likod ng maamo at magandang mukha ng binata ay isang nakakainis na personalidad. Hindi pa sya nainis sa isang tao ng ganito, ngayon lang!

"Ang lalaking yun! Namumuro na talaga sya sa akin! Wagas!" bulalas nito sa sarili habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay.

Sinalubong naman sya ng ina at ng kapatid.

"Oh ate! Ang aga mo ata!" tanong ni Kathryn habang nanunuod ng telebisyon.

Wala namang imik si Asher, napansin ito nng kapatid kaya hindi na ito nagtanong pa.

"Anak, kumain ka na ba? Tamang-tama, manananghalian na tayo.." yaya ng ina.

Dumiretso naman ang dalaga sa ina at humalik dito.

"Oh bakit ganyan ang itsura mo? Parang pinagsakluban ng langit at lupa?" tanong ng ina.

Ah wala 'to Ma... Mainit lang talaga sa labas, nakakapang-init ngg ulo!" sagot nito.

"Kung ganon eh magpalit ka ng damit at saka bumaba para makakain na tayo" utos ng ina.

"Ma, meron pala akong sasabihin sayo.." tugon ng dalaga.

"Ano yun?"

"Wag na po kayong mag-alala sa balance ni lola sa ospital, ako na po ang bahala dun..." sabi ng dalaga.

Nagulat naman ang nanay nya at kitag-kita dito ang lubos na kasiyahan.

"Talaga anak?! Paanong?" tanong ng ina.

"Shhh.. basta po, ako na bahala dun... Isipin nyo na lang may grasya na dumating..." sabi ni Ash at saka naman sya yinakap nng ina.

"Ay naku, Salamat naman sa Dyos!" sabi ng ina.

"Disgrasya kamo.." singit ni Kathryn..

Pinandilatan naman sya ng mata ni Ash at saka nanahimik ang dalagita.

_______________________________________________

Kung inis na inis si Asher na umuwi ng kanilang tahanan ay ganun din naman ang pakiramdam ni Randy.

"That girl? She is getting on my nerves..." inis na sabi nito habang pinapaharurot ang sasakyan. There is a part in him na gustong makaganti sa dalaga in a way kaya nag-isip ang binata kung papaano. Bukas ay magkikita sila ng dalaga at kelangan nya ng maibigay ang 100k na naipangako nya rito. Naalala nya rin palang hindi pa napipirmahan ng dalaga ang waiver, kayo lalo syang nainis dito. Mukhang wala namang bala magreklamo o magdemanda ang babaeng yun eh, kaya ayos lang, kumbinsi nito sa May ideyang naglalaro sa kanyang isipan sa mga pagkakataong iyon, "Why not?" sabi nito sa sarili.

Dumiretso ang binata sa kanyang condo upang magpahinga pero laking gulat nito ng may babaeng nakaupo sa salas niya. Humarap ang babae at lumapit sa kanya.

"How are you Anderson?"  tanong ng babae habang hinahaplos ang mukha ng binata.

"What are you doing here Pauleen? And how on earth did you get inside my condo?" walang emosyong tanong ni Randy.

Kinawit naman ng babae ang mga braso nito sa batok ni Randy. "Why Hon? anything wrong?" tanong nito.

Tinanggal ni Randy ang mga braso nito, "I don't like you Pauleen! You know that from the start! " bulalas nito.

"I know that hon! I'm sorry for the last time, i have decided, let's keep this please!" pagmamaka-awa ni Pauleen. "Ok na sa kin ang ganito... no commitment, sorry kung pinressure kita last time.." sabi ni Pauleen habang pilit na yinayakap si Randy.

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu