Chapter 20

1.6K 48 11
                                    

"Ash, are you okay?!" nagtatakang tanong ni Richard. Nasa isang fine dining restaurant sila habang nagdi-dinner.

"Ah, oo..." sagot ni Asher na may pilit na ngiti.

Alam ni Richard kung bakit balisa si Asher, nasa kabilang bahagi lamang ng restaurant ang kanyang pinsang si Randy at kasama ang isang model na kung hindi sya nagkakamali ay nagngangalang Bea. Pagkarating pa lang ng dalawa ay tila wala na sa sarili si Asher; pumunta si Randy at ang kanyang date sa kanilang table at bumati pero napansin nyang may ilangang namamagitan sa pinsan at sa nililigawan. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Richard na matalik na magkaibgan ang dalawa, ang hindi nya lang alam ay bakit parang hindi na nitong mga nakaraang linggo. 

"Are you sure? Gusto mo ba umorder tayo ng iba?" tanong ni Richard ng mapansing walang ganang kumain si Asher.

"Hindi... Ayos lang ako, medyo pagod lang talaga sa trabaho, pasensya na..."

"You wanna go home?" tanong ng binata. Napansin nitong sumisilip ang dalaga sa dako kung nasaan ang pinsan at ka-date nito.

"Ayos lang ba?" nakangiting tanong ni Ash.

Napangiti na rin si Richard at nahawa sa ngiti ng dalaga. "Sure, c'mon!" 

Nakauwi naman ng matiwasay ang dalawa at hinatid si Asher sa kanilang tahanan.

"Sorry kung hindi natin nasulit yung dinner ah, pasensya na..." sabi ni Ash sa binata.

"No, never mind... Meron pa namang next time eh.."

"Sige, babawi ako talaga, promise..."

"Sabi mo yan ah..." sabay halik sa pisngi ng  dalaga at saka pumasok sa kotse nito.

Bago makapasok sa loob ng kotse si Asher ay biglang nag-ring ang telepono nya.

Randy A. calling...

Nagtatakang sinagot naman ito ng dalaga at inakalang baka may emergency.

"Hello?"

"Tss.."

"Hello?! Randy?"

"....."

"Oi Randy ikaw ba yan?!"

Biglang namatay ang tawag.

Nagtataka ang dalaga kung anong gustong sabihin ng binata.. 'Ano bang problema ng lalakeng yun? Nakakainis na sya ah! Hindi ko na sya maintindihan!' sigaw ng isip ni Asher. Tatlong araw na kasi ang nakakalipas ng huling makatnggap ng text si Asher mula kay Randy at talagang nasaktan ito sa sinabi ng binata. Walang kuwan-kuwan ay para bang binalewala nito ang pagkakaibigan nila ng ilang buwan. 

From Randy A.

From now on Asher, pls delete my number on ur phonebuk... I don't wanna be friends with you anymore.

Akala nya ng una ay nagbibiro lamang ang binata kaya nireplyan nya pa ito...

To Randy A.

Nye... echosero ka ah?! Anyare sayo parekoy?

tsaka nya nakompirma ang gustong iparating ng kaibigan.

From Randy A.

"I'm serious Asher, i dont wanna be friends with u anymore.. please leave me alone!

Sa inis ni Asher ay nireplyan nya ito.

To Randy A.

Ok... noted! Pls do the same with my number jerk!

Sarkastikong reply nya.

Hindi maiwasang malungkot ni Asher kung bakit ganun ang gustong iparating na kaibigan; mula noon ay hindi na nya subukang replyan or itext si Randy. Naiinis talaga sya dahil parang teenager umasta ang binata; isip-bata na hindi mo maintindihan. Tapos ngayon ay tatawag-tawag, parang tanga lang eh...

Lumipas ang ilang araw at napapansin na rin ng mga kaibigan ni Asher ang pagiging balisa nito... Pilit nya mang alisin ang isipan tungkol kay Randy ay hindi nito magawa. Tuwing madadaan sya sa supermarket na madalas nilang puntahan tuwing kailangan na ng supply ni Randy ay ang binata lang ang pumapasok sa isip nito. Hanggang ngayon ay hindi nya pa rin nya maintindihan kung bakit bigla-biglang ganun ang tinuran ng kaibigan, what she meant is 'ex-friend'... Nakwento na rin nito kay Yeng ang problema nya kaya simula nun ay 'ex' na ang tawag ni Yenggay tuwing pinag-uusapan nila si Randy. 

"Akalain mo yun friend? Nagkaroon ka ng 'ex'?" biro lagi ni Yeng para kahit paano ay maibsan ang lungkot ng kaibigan.

"Hay nako Ash, wag mo na lang isipin yung ex mong tisoy, para namang daig mo pa ang iniwanan ng boyfriend eh"

Yun na nga ang masama eh, parang daig nya pa ang nakipag-break sa syota, eh hindi naman sila mag-syota. Naiinis sya sa sarili dahil hindi nya mapigilang malungkot ng sobra. Marahil ay dahil sa bonding nilang dalawa ni Randy, alam nyang kaibigan lang ang turing sa kanya ng binata pero ngayon ay sigurado na syang higit pa sa kaibigan ang nararamdaman nya dito. Namimiss nya yung pagpunta-punta ni Randy sa bahay tapos yung pagaya-aya sa kanya ng binata tuwing may okasyon o kaya ay simpleng pag-gogrocery nila. Nung una ay denial pa sya pero sino nnga ba naman ang hindi made-develop sa isang katulad ni Randy, gwapo, mayaman pero higit sa mga katangiang yun ay isa itong maginoong medyo bastos, astig umasta pero pag may sakit ay parang batang naglalambing. Kahit na inaasar na sya ng mga ka-opisina nya at kung minsan pa nga ay pinagsasabihan ng masama sa likod nya ay wala syang paki-alam dahil alam nyang malinis ang konsensya nya. 

Haaaay...Ganito ba talaga 'to? Parang mas grabe pa ata ito sa 'first heartbreak' ko ah! Partida pa na hindi pa sila mag-nobyo ah.  Lalo syang naiinis tuwing maiisip ang ideyang na-develop na sya kay Randy dahil alam nyang wala naman syang mapapala mula rito at ngayon nga ay ni hindi sya pinapansin nito.

'Ang tanga-tanga mo talaga Asher! Tssss... Haaaay...' saway nito sa sarili tuwing maiisip ang dating kaibigan.

Sorry for the long wait! HEHEHE.... enjoy po! Have a great year ahead of u! :)

emel

SASAGEGE FTW!

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Where stories live. Discover now