Chapter 23

916 24 11
                                    

3 Months Later

"I Love you Asher", pagtatapat ni Randy kay Asher.

Dinala nya ang dalaga sa rooftop ng Anderson Group at nag-set up ng isang intimate dinner. Surpresa ang lahat. 

Nagmamadaling umakyat si Asher sa rooftop.

 Ilang linggo ng iba ang ikinikilos ng kaibigan mula ng magkabati sila mahigit tatlong buwan na ang nakakaraan.

Una, sinama sya nito sa bahay nila. Nung una ay ayaw nya dahil nahihiya sya sa pamilya nito pero napilitan rin sya. Dito ay nakilala nya ang ina at ama ng binata, sandali lamang iyon dahil nagmamadali ang dalawa pero natuwa naman sya at mukhang ok naman sa kanya ang mga ito. 

"Bakit mo ba ako dinala dito? Ang layo huh?" birong reklamo nito sa kaibigan.

"Wala lang, bakit ba? May gagawin ka bang importante? Wala naman diba?" sagot ni Randy.

"Wala nga.. Eh ano bang gagawin natin dito? Ipapakilala mo ako sa parents mo?"

"Ah eh, basta... "

Nanahimik na lang si Asher.

"We're here!"

Tumambad kay Asher ang isang magarbong masyon, nasa mataas na bahagi iyong ng Tagaytay kaya malamig at presko ang hangin. Kinabahan si Asher, huminga ito ng malalim.

Pumasok sila at mas nagulat sya sa loob ng bahay, mas magarbo ang loob kesa sa labas, salamin ng karangyaan ng pamilya.

Bumaba mula sa magarbong hagdan ang isang babae, middle-aged pero napakaganda, ito marahil ang ina ni Randy.

Lumapit si Randy at binati ito. "Mom!" tsaka bumeso.

"O hijo? Why are you here this early?"

"Masama ba mom?"

"Hindi naman, surprised lang ako."

Dumako ang tingin ng ina ni Randy kay Asher.

"Uh mom, this is Asher, one of my good friends" pakilala ni Randy tsaka sumunod sa ina na papunta sa direksyon ni Asher.

Ngumiti ang ina ni Randy na lalong ipinagtaka ni Randy.

"Nice meeting you Asher!  Randy's telling me lots of stories about you!" bati nito kay Asher sabay yakap sa dalaga.

Binalot naman ng hiya ang dalaga. Ano kayang pinagsasabi nitong mokong na 'to tungkol sa 'kin? Sabi nito sa sarili.

"Ah, glad to meet you po Madam... Madam Anderson!" pautal-utal na sagot ni Asher.

Mahinang tumawa si Randy, tiningnan naman sya ni Asher.

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon