Chapter 22.2

1.1K 32 17
                                    

"Long time!", nakangising bati ni Randy kay Asher...

Hindi maikakaila ang pagkagulat ni Asher, napansin ito ni Yeng, kaya kinurot sya nito sa tagiliran na nakapagpa-gising sa dalaga.

Napansin naman ito ni Randy na lalong ikinagalak ng binata.

"Oi Ash," bulong ni Yeng.

Natauhan si Asher.Bakit ba nandito ang mokong na 'to?

"Hello Ash! Long time no see" bati ni Randy habang papalapit kay Ash.

"Is this how you treat your guest of honor?" bulong nito.

Tiningnan ng masama ni Asher ang dating kaibigan, hindi nya alam kung anong mararamdaman, maiinis ba sya dahil sa ginawa nito sa kanya o masaya dahil nakita nya ulit ito.

She composed herself. 

"Nice seeing you again Gerald, thank you for coming," nakangisi ring bati nito sa binata.

"Are you surprised?" tanong ng binata.

Dali-daling tinuon ni Asher ang paningin kay Yeng, animo'y hindi narinig ang sinabi ng binata.

"Uhmm Yeng, please assist Mr. Anderson inside so we can start the program."

Ayaw nyang magpakita ng emosyon dahil alam nyang ikakatuwa nito kapag nainis sya o nagalit sa harap ng maraming tao, ayaw nyang ipahiya ang sarili lalo na at animo'y nang-aasar ang dating kaibigan.

"Yes Mr. Anderson, let's go ahead." nakangiting yaya ni Yeng sa binata.

Sumunod naman si Gerald kasama ang isa sa kanyang empleyado.

Pagkaalis ng binata sa harap nya, tsaka nakahinga ng maluwag si Ash. It will be a long day for sure.

The program started smoothly, kitang-kita sa mga audience ang anticipation sa kanilang mga mata. They have agreed to sponsor 50 youth scholars na pag-aaralin nila ng short course all expenses paid kaya marami ang naengganyo, syempre in cooperation yan with AGC, the country's premier marketing firm. Si Asher ang nagsilbing host ng naturang event, katulong niya ang ilan sa mga kasamahan sa foundation.

"Ikinagagalak ko pong ipakilala sa inyo ang General Manager ng AGC, isa ho sya sa mga dahilan kaya natuloy ang proyektong ito,let us all welcome Mr. Gerald Randolph Anderson."

Pumunta si Randy sa stage para magbigay ng maikling talumpati.Ramdam nya ang hindi pagpansin ni Asher sa kanya at alam na alam nya rin ang dahilan nito. 

Nagpalakpakan ang mga tao, hudyat na kailangan nya ng simulan ang talumpati.

"Ahem, ahem..."

Nakikinig naman ng mabuti si Asher sa kabilang side ng stage.

"Unang-una po, nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong at nagsikap to turn this proposal into a reality...

At higit sa lahat gusto kong i-acknowledge ang hardwork ni Ms. Asher Geronimo to make this all possible... Thank you Ash.." nakangiting tumingin ito kay Asher.

Gulat man, Asher felt the sincerity in his words and it kinda bothers her judging from what happened earlier.

Alangan namang nangiti si Asher.

"If not for an unfortunate instance, this would not have happened... Yes it may have been unfortunate for the both of us but I am glad it did, if not because of it, I would never be the person I am right now..."

Nagulat si Asher sa mga narinig mula kay Randy. Ano bang gustong ipahiwatig ng mokong na 'to? Ano bang pakialam ng mga tao sa unfortunate instance na yun?

"And for that, I want you all to give Asher a round of applause that she truly deserves..." pagpapatuloy ni Randy.

Clap. Clap. Clap.

Nagpalakpakan ang lahat ng nanunuod.

Namula naman sa hiya si Asher, hindi nya akalain na ganito ang mangyayari.

"Thank you everyone... By the way, I would also like to say sorry to a special person right now..." malungkot na segue ni Randy.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ash ng marinig ang mga katagang 'yon. Ano bang pinagsasabi nitong mokong na 'to? Dapat  simpleng statement lang about the program pero bakit parang nag-oopen up 'to?

"I don't know if she can hear me or her  mind is flying somewhere right now but I would like to send her my sincerest apologies..."

Natahimik at nagtataka ang mga tao sa mga pinagsasabi ni Randy, halata sa mga mukha nila na hindi sila maka-relate. Ang iba naman ay kinikilig sa mga naririnig mula dito. 

Matiim na nakikinig sa harap si Maja, naghihintay sa susunod na sasabihin ni Randy.

Ganun din si Asher, kinakabahan kung hanggang saan ang sasabihin ng dating kaibigan.

"Uhmm, in behalf of AGC, we would like to congratulate everyone who have been a part of this program, good luck to the scholars! Thank you." sabi ni Gerald.

Isa-isa namang nagpalakpakan ang mga tao, sabay ng pagbaba ni Randy mula sa stage.

Bumalik si Asher sa harap upang ipagpatuloy ang program, hindi nya alam kung ano ang sasabihin, naba-blangko sya sa pagkakataong 'yun.

"Ah... hehehe.." natawa na lang sya upang itago ang kabang nararamdaman.

"Uhmm, thank you, este thank you Randy... Ander... Mr. Randy Anderson pala.. hehehe..." putol-putol na tugon nya.

"Thank you for that very short yet inspiring speech..."

Nakabalik na si Randy sa kinauupuan sa harapan at tumingin ito kay Asher. Huminga ng malalim si Asher at ngumiti sa nakatinging binata.

"I am sure that wherever she is right now, she has forgiven you..." malumanay na sabi ng dalaga.

"Diba? " dugtong na tanong nito sa audience.

"Yes!" sigaw naman ng audience. They all agreed.

Nangiti naman si Randy sa sinabi ni Ash, ramdam ang gustong iparating ng dalaga.

The program ran smoothly, when it finsihed they all started to pack thing s up. Asher among her other colleagues were busy. Randy went near Asher before he go home.

"Ash, can we talk?"

Nagulat sa narinig, nakita ang binata sa harap na animo'y kinakabahan sa sinabi. 

Ngumiti ang dalaga.

"Uhmmm, sure, but in one condition!"

"and what is that?" nagtatakang tanong ni Randy.

"You have to wait for me!" sabay talikod ng dalaga at pinagpatuloy ang ginagawa.

Randy smirked. "As if I have a choice lady?!" sabi nito sa sarili.

_______________________________________________________________________

Hello guys, I know this chapter is kinda lame but I will try my best to come up with a better one next time. I want to improve myself on throwing dialogues pa and describing emotions of the characters... Haaaay, medyo mahirap sya ah in fairness, lalo na ngayon na alam nyo na.. :)

Nevertheless, will try to update everyday po!

We went to Batangas yesterdaya we just went home today kaya po hindi ako nakapag-update. It is so nice to see na medyo marami pa rin pa lang nag-aabang dito sa story ko! Salamuch. 

Reminisce mode, if you know my first story yung For Reel or for Real, I did not have a hard time writing that bcoz alam nyo na, hahaha... may inspiration eh!  :) I remembered I came up with its last chapter while swimming in the beach alone under the night sky. Yung mga ganung instances will give you an idea for your story plot or what do you think is nakakakilig. In addition, that story was based on my actual experiences... :)

But as I've said I will motivate myself to finish this story and give you a decent one! 

Salamuch,

emEl ver 2.0 Buohahaha!

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Where stories live. Discover now