SpokenPoetry #55

22 2 0
                                    

✍ -55-

「Ikaw pa rin talaga」

Muli nating balikan ang masaya nating ala-ala
Iyong tayo lang ang nakakaalala

Hindi ko malimutan kahit na sa sandali
Tila sumpang ayaw umalis sa aking tabi

Nariyan lamang, palagi ko pang nasasaksihan..
Nararanasan
Ang bawat lugar na ating pinagsamahan

Walang bago dahil purong luma
Bagay na ikadadala ng aking mga luha
Lalo na ang ngiti mong isang mahika
Na kailanma'y nakatinta na sa aking diwa

Subukan ko mang ibura
Ikaw at ikaw pa rin ang laging hanap ng mata
Ipikit ko man
Maamo mong mukha ang aking naaalala
Maghanap man ako ng iba...
Sa huli, ikaw pa rin talaga sinta.

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now