Spoken Poetry #26

66 7 0
                                    

✍ -026-

     「Huling Pagkakataon」

Nagsimula tayo halos dalawang taon na ang nakakaraan,
Punong-puno ng init ang pagmamahalan
Ngunit sa oras na ito ay may tiyak na pupuntahan
Hindi alam kung saan dadaloy, dito o hanggang sa dulo ng walang hanggan?

Naging memorable ang ating pagsasama
Kilig, selos, iyak, tawa, lungkot at saya
Napakarami nang panahon ang ating pinagsama
Pero sa huli, puro nalang pandaraya

Hindi ko lubos maisip kung tama pa ba,
Dahil masagi ka lang sa isip ko ay puro tama na
Hindi pagsuko kundi karupukan
Wala na akong magawa dahil ikaw lang ang aking masasandalan.

Dumating tayo sa punto ng hiwalayan
Lahat ng aking pag-asa ay nawawalan
Dahil parang ako lang yata ang nagluksa
Samantalang ika'y mayroon na palang ibang pinapaksa.

Ako lang naman ay nagmahal,
Nasaktan,
At nagmove on
Pero noong humiling ka ng isa pang pagkakataon ay naging marupok.

Namulat ako sa katotohanan
Na ika'y mahal ko pa
Pero kahit sobrang sakit na
Pinili pa rin kitang bigyan ng pagkakataon kahit ang hirap na.

Alam mo ba?
Alam mo ba na marami akong tinanggihan?
Alam mo ba na ikaw lang ay sapat na?
At alam mo ba na napakahirap mong kalimutan?

Kahit alam 'kong ako nalang lagi ang umuunawa
At nagiging malamig na ang iyong pakikisama
Lubos kong itinatatak sa sarili ko
Na ika'y hindi ko na mahal ko pa.

Magkahalong lungkot at saya ang pagtanggap ko muli sayo
Pero maghihintay ako sa panahong magiging totoo
Ang bawat dahilan ng aking pagmamahal sayo
Kung tutungo nalang ba ito sa huling pagkakataon.

-|-|-|-

Requested by: Cath G. 5/4/19

Poetries [ COLLECTION ]Onde histórias criam vida. Descubra agora