SpokenPoetry #28

92 7 1
                                    

✍ -028-

     「Ang Aking Ina」

Ang aking Ina,
Na handang mag tiis para sa kaniyang pamilya.
Si Ina na handang gawin ang lahat para sa ikasasaya ng mga anak niya.
Si Ina na hindi magsasawang intindihin ka,
Si Ina na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka.

Kahit siya'y pagod na sa mga gawain,
Nakukuha pa rin niyang ngumiti at kayo'y ipaghain,
Mga simpleng luto ng pagkain,
Basta't si Ina, oh sobrang galing,
Dahil sa isang sangkap na tinatawag nating pag-ibig.

Nabubuo ang aking araw sa tuwing nakikita ko ang kaniyang ngiti tuwing umaga,
Kahit na siya'y hindi magkanda-ugaga,
Bakas pa din ang kasiyahan sa kaniyang mukha,
Para sa akin, siya ang pinakamaganda sa balat ng lupa.

Ina, patawad kung minsa'y ika'y aking binabarumbado,
Kaya't minsa'y napapainit ko ang iyong ulo.
Mga pangaral mong tumatak sa kokote ko,
Pangakong dadalhin hanggang sa pagtanda ko.

Ina na bayani ng buhay ko,
Ika'y sobrang mahal at hinahangaan ko,
Walang katumbas sa mundong ito ang pagmamahal mo,
Ina, walang kasingsaya ang nararamdam ko,
Dahil ikaw ang naging Ina ng buhay ko.

Ina, nanghihinayang ako sa mga panahong wala ka,
Napanghihinaan ako ng loob sa mga oras na ika'y wala,
Malaki na nga ako ngunit sa iyo pa rin ako humuhugot ng lakas,
Na para bang batang tulo-uhog na nawawalan ng landas.

Gayonpaman, ako'y nagpapasalamat sa lahat,
Sa pagmamahal na iyong binigay simula sa aking pagkabata,
Ika'y nagiisa aking Ina,
Ikaw ay walang katulad at katumbas kung magmahal.

Ina, salamat sa lahat ng sakripisyo,
Sa pagmamahal na walang tatalo,
sa ugali niyong daig pa ang oso pero mahal na mahal ko,
Ina, pangakong makakapagtapos ako at gagawin kitang reyna ng aking palasyo.

-|-|-|-

This is dedicated to my mom, hehe. I miss you na po.

Maligayang araw sa lahat ng Ina/Nanay/Mama sa buong mundo! Mabuhay po kayo!



Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon