SpokenPoetry #57

20 1 0
                                    

✍ -057-

「Pulang Bilog na Buwan」

Pulang bilog na buwan
Na nagsisilbing katapusan,
Sa relasyong may dalawang nagmamahalan
Pero huwag ka, lahat naman talaga ay may hantungan

Pula na nagsisilbing hangganan
Bilog na para bang pinaglalaruan
At buwan na unti-unti nang nawawalan
Ng pag-asang kakayanin ko pa ba kaya?

Kasingtulad ng buwan ang pag-iibigan
nariyan sa gabi para ika'y samahan,
matutulog ng may ngiti pagkatapos ng lambingan
subalit ang pagtulog ay siya ring paglisan

Nabago ang gabing bumubuhay sa tahanan
Ng iyong puso'y ulila sa inyong pagmamahalan
Isang gabing puno ng kasiyahan
Sa ilalim ng pulang bilog na buwan
Ngunit sa kinabukasa'y sisikat ang haring araw
Na babago sa lahat ng inyong pinagsamahan.

-|-|-|-

05/28/21

Poetries [ COLLECTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon