SpokenPoetry #54

16 1 0
                                    

✍ -54-

「Praning」

Kung ang bituin ay 'di na nagniningning
May ginhawa pa ba sa ating paningin?
O sadyang ako lang talaga ang praning?
Sa sandaling tamis, tinangay agad ng hangin

Ang pagsasama natin na nawaglit
Aasa pa ba akong babalik kahit masakit?
Marahil matangay nga ito.. mahagupit
Subalit sinta ko, pagmamahal ko sayo'y aking ipipilit

Irog ko, malayo ka man sa akin
Wala na akong ibang nanaisin
Kundi ay bumalik ka sa aking tabi
at sabay natin lalakbayin
Ang istoryang muli nating bubuuin.

Poetries [ COLLECTION ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat