SpokenPoetry #22

71 10 2
                                    

✍ -022-

     「Bitag」

Magsisimula na ang ating palabas
Kung saan alam ko na ang magiging wakas
Simula pa lang ay may naghihintay na rehas
Na handang ikulong ang sakit ng bawat taong gustong makatakas.

Ikaw itong.. Siinimulan ang lahat
Ngunit sa bandang huli'y kailangang mag-iba ba dapat?
Hindi ko na maintidihan kung ito ba'y tanong o isang banat
Kung totoo bang nagsimula ang lahat sa alat
O iyong pinako mo na naging balat?

Ngayon, sa pagkakataong ito akala ko'y ikaw
Ang siyang magliligtas sa akin, oo ikaw
Ang buong desisyon ko'y ikaw
Naiinis ako dahil palagi nalang ikaw, oo ikaw!

Iyong mga araw nating walang malisya ang lahat,
Pero ng dahil sa isang araw ang lahat ay naawat
Noong ika'y nagbigay ng motibo't pananda
Hanggang sa ako'y tuluyang naghanda
At naghukay sa dulo ng walang hanggan

Bakit kung kailan nahulog na ang isang tao,
Biglaan mo akong tinataboy,
Pilit na lumalayo,
At nagmamadaling umalis sa dulo
Buong akala ko'y sasamahan mo 'ko sa patibong na ito.

Nagtiwala ako na sa dulo'y magiging tayo
Mga pangarap ko sa panahong tayo
At ang ating kamatayan hanggang sa dulo ng punto
Lahat ng iyon ay nabuo na lamang sa isang motibo
At natapos sa hangganan ng isang hibo.

Ngayong alam ko nang hanggang dito nalang ito
Paano ba makatakas sa kulungan ng puso ko?
Paano ba makalaya sa tanikala ng utak ko?
Paano ba ang sarili ko'y maialis sa napakasakit na bitag na ito?

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now