SpokenPoetry #58

13 2 0
                                    

✍ -058-

「Mula noon hanggang ngayon」

Mula noon hanggang ngayon
Maraming bagay ang kailangan nating mabago
Pero hanggang ngayon, wala pa ring tayo
Hinihintay ko kung hanggang kailan magiging totoo?

Ilan pa bang araw
Ilan pa bang buwan ang lilitaw
Kahit ilang beses pang magbalik-tanaw
Walang ibang hihintayin kundi ikaw

Kay hirap isipin na mayroong limitasyon
Hangal na lamang ang susuko sa pagkakataon
Kahit napakaraming naiisip na imahinasyon
Masaya ako kahit nabubuhay lamang ito sa isang ilusyon

Wala akong pake sa kahit ano mang sabihin nila
Isa
Dalawa
Makakaya ko bang maghintay ng higit pa sa tatlo ng taon?
Kahit na magkaroon ng pagbabago
Ikaw pa rin ang natatanging paraluman ko
Mula noon hanggang ngayon
Susugal sa masukal na para bang bilanggo
Maniniwala sa pangakong ako ang bumuo

Poetries [ COLLECTION ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum