SpokenPoetry #68

16 0 0
                                    

✍ -068-

     「Ginaw」

Nagparamdam na ang lamig
Balot ang aking katawang nanginginig
Naghahalong mga tinig
'Di batid kung sa hangin o iyong bibig

Sabay sa pagbago ng panahon
Ang isang mabigat na hamon
Iyong pagbitaw ng mahinahon
Walang sakit kahit sobrang baon

Manhid ang aking puso
Sa mga asal mong parang aso
Lalo sa maingay na nguso
Ako lang 'to, walang kaso

Ramdam mo na?
Sobrang ginaw na
Nasaktan na
Manhid na
Suko na
Tama na
Masaya kana?

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now