SpokenPoetry #9

200 23 1
                                    

✍️ -009-

     「Mahal, bitaw na」

Mahal... Tama na.
Ayoko na dahil nakakasawa na,
Paulit-ulit nalang tayo'y nagkakalabuan,
At palagi nalang tayong nagsasakitan.

May saya't ngiti subalit nangingibabaw ang sakit,
Kailangan na nating tapusin ang ugnayang nagiging mapait,
Ang buong araw nating salitan ng matatamis,
Napalitan na lamang ng isang ngisi.

Ang ugnayan natin ay nagbabaga sa sobrang init,
Sa sobrang init halos hindi na tayo makaalis sa ating mga bisig,
Ngunit dumating ang isang araw,
Na ang init ay napalitan na ng lamig.

At mga alaala nating pinagsamahan,
Tila ba'y bumabalik sa aking memorya,
Yung tipong dadamhin mo ang lahat tamis,
At mga kaakibat nitong mga sakit.

Simula sa una nating paggawa ng alaala,
Hanggang sa matapos koneksyon nating dalawa,
Lahat ay muling magbabago,
Hindi na tulad noon, masaya subalit wala na sa piling mo.

Dapat na nga talaga nating tapusin,
Kahit ilang beses pa nating naisin,
Na bumalik sa isa't-isang bisig,
Kaya mahal, tama na.

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now