SpokenPoetry #21

67 10 0
                                    

✍ -021-

     「Umaasa」

Nakatingalang pinagmamasdan ang mga tala
Tila nagbibilang kung ilang sakit pa ba ang itatala
Ako'y naghihintay na ang lahat ay mawala,
At ikaw ay manatiling masayang ala-ala.

Ikaw at ako
Ikaw at siya
Tayo o kayo?
Pero sa pagkakataong ito, talo ako.

Tanggap ko na hindi ako,
Na hindi ako ang para sayo.
Alam ko na hanggang dito,
Siya pa rin ang susuyuin mo.

Palaging ikaw ang nasa isip,
Hindi na maiwasang sumipsip.
Iyon na lamang ang magagawa,
Sa sitswayong pinagkakaitan na.

Nagtatanong kung hanggang kailan pa ba?
Dahil sobrang nakakapagod na.
Ilang taon na ba?
Sa katotohanang ako'y wasak na wasak na.

Hanggang dito na lang ba?
Dito na ba matatapos ang istorya?
Na kung saan ako ang laging tanga,
At ikaw ang masaya kasama ang iba.

-|-|-|-

Requested by: Reiner

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now