SpokenPoetry #42

22 4 0
                                    

✍ -042-

「Pag-ibig na 'di nagtagal」

Nagsimula tayo sa ibigang magkaibagan
Lumalim hanggang sa magka-ibagan
Hanggang sa dumating ang oras na may binabantayan
Na kung saan ang bawat nararamdaman ay mayroong hangganan.

Ang lahat ng mga tala'y nawala
Mga pag-asa na tuluyang nasira
Pangarap na unti-unti nang nagigiba
At ang direksyon ng ating mga puso ay napapariwala.

Naaalala ko pa noong tayong dalawa'y nagkakilala
Nag-usap tayo ng buong sigla
Humaba ng humaba ng humaba
hangga't sa hindi natin inaakala na nahulog na pala tayo sa isa't isa

Napakasayang balikan ang mga ala-ala
Lalo pa nung sinabi mong ako na pala
Ako na pala ang siyang iyong mamahalin balang araw
At ikaw na aking minamahal at mamahalin pa sa araw-araw

Subalit walang permanenteng bagay
Lahat ay nagtatapos sa isang masalimuot na lagay
Kaya't ang pusong ito'y nakatikim ng latay
Ng dahil sa pag-ibig na 'di nagtagal pero may saysay.

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now