SpokenPoetry #27

63 7 0
                                    

✍ -027-

     「Kapintasan」

Kapintasa'y laging inaayon sa mukha,
Na wala namang ibang ginawa,
Kundi manira ng reputasyon ng kaniyang kapwa.

Hindi niyo ba napapansin?
Ang sariling atin ay mayroong kapintasan rin,
Maaaring bumalik sa'yo ng buo,
Na isasampal sayo ang totoo na hindi lahat ng tao ay perpekto.

Hindi mapigilan ang inggit,
Kaya't naghasik ng lagim,
Lahat ng nasa nananahimik,
Ay binunggo na para bang siya ang naghahari.

Hindi mo lang napapansin ang mga gintong nakakubli sa iyo,
Hindi ka tulad ng mga taong nagpapakaperpekto upang mapansin,
Hindi mo pa napapansin, ang kapintasan mo'y maaaring ihagis,
Dahil hindi lamang sa isa binabase ang lahat,
Kaya't tumayo ng tuwid at maglakad ng nakangiti.

Mga taong nagbaba sa iba,
Imbes na tulungan at pahupain ang rumaragasang luha,
Ito'y nagbibigay pa lalo ng kahinaan sa kaniyang kapwa.

Unang paghahanda mula sa pagaalipusta ng iba,
Maging ikaw,
Sarili mo,
Ikaw lang at wala nang ibang makagagawa pa,
Magpakatotoo ka dahil sa mundong mapang-api,
Walang tutulong sa'yo kundi ang sarili mo't panginoon sa taas,
Hindi kailangang magpa-apekto sa mga taong mapanghusga.

Ang pagbabago ay kailangan natin gawin kung ito'y mali,
Subalit ang pagbabago ng dahil sa kapintasan ay mali,
Dahil ito ang magiging daan,
Upang maipakita mo kung hanggang saan aabot ang mga panga-alipusta,
Kung ang mabusilak mong puso ang mangingibabaw sa lahat.

Poetries [ COLLECTION ]Where stories live. Discover now