/54/ New Home

283K 8.6K 4K
                                    

I lose

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I lose.

Tapos na ang laro, tapos na ang laban, nanalo ang Memoire, natalo ako. Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang nakaupo rito, nakapiring, nakaposas. Hindi ko alam kung gaano kalayo na yung tinakbo ng sasakyang lulan ko mula sa Sta.Helena Orphanage, hindi ko rin alam kung anong lugar na ba 'to.

Tahimik.

Ang tahimik ng paligid ko, pakiramdam ko nasa isang kahon lang ako. Pero isa lang ang siguradong alam ko ngayon: papunta kami sa Mnemosyne Institute.

Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina lang. I have been betrayed,  again. It was all an act, noong umpisa pa lang, they intended to trick me para makuha ng buo ang tiwala ko... Kaya pala... Kaya pala 'yon sinabi ni Cairo noong magkita kami sa atrium.

"....nandito kami para kumbinsihin ka, Miss Morie, kung ano ba ang tama, kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan, this is just a big reality show after all, you decide." Palabas lang ang nangyari noong Night Out, ang kunwaring naging labanan nila para mas maging matibay yung tiwala ko kila Seraphina. The clues was just there, pero mas pinili kong maging bulag at hindi 'yon pinansin sa dahilang natakot akong lumaban ng mag-isa. Gusto kong isipin na nabiktima lang sila ng drogang balaghan na ginawa noon ni Cairo sa White Knights, pero hindi. Gusto ko mang takasan ang katotohanan na nag-iisa na lang talaga ako ngayon, walang ibang maaasahan kundi ang sarili ko lang din.

Naintindihan ko na rin yung nangyari sa tren. Planado nila yung akisdente para mapilit ako ni Jing na bumaba, atsaka sila nakaabang sa labas para kuhanin ako. Pero dahil sa pagpupumilit ko na iligtas yung mga tao, "I can't believe that Jinnie betrayed us just because of you." tinulungan kami ni Jing. If she just switched her side, nasaan na siya ngayon? Anong ginawa nila sa kanya? Totoo nga kayang tumaliwag na siya sa kanila para lang sa'kin? Bakit?

Can I still escape now? And if I did, saan naman ako pupunta? May mga lugar pa ba 'kong babalikan? Ewan ko at bigla kong naalala si dad. Kahit na alam ko na ngayon na hindi naman talaga niya 'ko totoong anak, gusto ko siyang makita para makausap, para malaman kung anong kinalaman niya sa lahat ng nangyayari sa'kin ngayon. He discovered the six orphan children sixteen years ago, dahilan kung bakit sa'kin binubunton ni Jing Rosca yung galit niya noon, malaki ang posibilidad na nagtatrabaho siya sa Memoire ngayon.

Nakalimutan kong nakaposas nga pala 'ko nang subukan kong galawin yung mga  kamay ko. Mukang nakikinikinita ko na yung mangyayari sa'kin pagdating doon. I'm starting to imagine myself, being locked up in a cell, nakasuot ng plain white gown, tied up in a white room habang nakapalibot ang mga doktor pinag-aaralan at hinihimay ang bawat piraso ng mga mata ko. Or maybe, dahil nga sa patay na patay sila sa kapangyarihan ng mga mata ko, they will sell me overseas para gawing military weapon or whatsoever, baka ipadala nila ko sa ibang planeta o ibroadcast sa buong universe kung anong klaseng teknolohiya ang naimbento nila. That sounds like I'm not human anymore. I can't help it but to imagine things up to the worst scenario.  I suddenly remembered Miss Karen, my sister, what she suffered in Memoire's hands, kung paano niya dinetalye sa sulat ang pinagdaanan niya.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon