/53/ Hey Jill

269K 8.5K 1.9K
                                    

"SI Jing?" iling ang sinagot ni Seraphina, at base sa ekspresyon ng mukha niya, alam ko na kung anong ibig sabihin, may hindi ring magandang nangyari kay Jing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SI Jing?" iling ang sinagot ni Seraphina, at base sa ekspresyon ng mukha niya, alam ko na kung anong ibig sabihin, may hindi ring magandang nangyari kay Jing.

"Jillianne."

"Sandali lang," pinigil ko si Seraphina sa pagsasalita, tama na muna yung mga sinabi niya kanina lang.Gusto kong sabihin sa kanya na gusto kong huminga―ang ibig kong sabihin, gusto ko muna ng katahimikan, gusto ko muna ng kapayapaan, kung maaari lang sana. Sa pagkakataong 'to wala akong ibang maramdaman―wala, hindi, hindi ko pala alam.

Bumaba ako sa van, tsaka ko lang nakita na nakaparada ito sa gilid ng isang hindi pamilyar na kalsada, hindi ko alam kung anong lugar 'to, parang nasa gitna ng kawalan, tahimik ang buong paligid, walang ibang sasakyang dumadaan, maraming mga puno, at kitang-kita sa guhit-tanaw ang unti-unting paglitaw ng haring araw. Sumalubong sila Cecilia, pero hindi ko sila pinansin ni Finnix at naglakad ako dirediretso, malayo sa kanila, malayo sa van. Naupo ako sa isang malaking bato na nakatabi sa mga puno, damang-dama ko yung preskong hangin na nagmumula sa kalikasan. Katahimikan. Pumikit ako at niyakap ang sarili.

Nangyari na naman yung katulad noon. Sa ikalawang pagkakataon, ng dahil sa kapangyarihang mayroon ako, hindi ko nagawang iligtas ang mga taong 'yon. Pero iyon na ang nakatadhana base sa nakita ng mga mata ko, sa huli kahit pala may gawin ako para pigilan ang tadhana hindi pa rin pala ako mananalo.

Everything has changed. Funny, I realized it too late that my life is a complete mess now. What an irony though, it seems like yesterday... I was complaining because my life is dreadfully boring, I remembered myself seeking thrills and excitement. Parang kahapon lang, si Lily lang ang kinaiinisan ko, parang kahapon lang, dinadaldal ako ni Aya ng walang humpay. Parang kahapon lang nga naman.  

Ang buong akala ko talaga magiging maayos na ang lahat noong pagkatapos ng recollection, nagkaayos nga ang buong klase namin matapos ang dalawang taon. I didn't expect na mas magiging malala pa pala ang mga mangyayari pagkatapos nito: Nalaman ko mula kay Morris ang tungkol sa mga uri namin; Ang buong akala ko na ako ang may kagagawan ng blog ay dahil pala sa droga na pinapalit ni Manang Fe sa vitamins ko; Ang pagkawala ni Stephen; Nang dumating sa White Knights si Caleb Perez at pinasailalim sa droga ang lahat ng tao sa academy; Ang unang atake ni Magnus; Nakilala ko ang Carnies; Tinuruan ako nila Jing ng Lucid dreaming; Ang aksidente ni Penelope; Ang Night Out; Si Cloud Enriquez ay isang Peculiar; Ang Memoire; At higit sa lahat, the cold and expressionless homeroom teacher ay kapatid ko pala.

Mali pala, hindi pala simula nang matapos ang recollection nagbago ang lahat. Noon pa man, simula pa lang na makuha ko 'tong mga mata ko―every part of me has changed. Magmula ng matuklasan kong may kakaiba sa nakikita kong mga mata ng iba, magmula nang makuha ko 'tong mga sinumpang mata. Lumayo ako sa mga tao, kinamuwian kong mabuhay, ilang beses kong sinisi ang sarili ko dahil sa mga hinaharap na hindi ko napigilan. Kung kailan kailangang kailangan ko ng kalinga ng pamilya't kaibigan noong mga oras na 'yon, walang sumaklolo sa'kin.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon