/34/ Back to Reality

398K 12.3K 3.8K
                                    

"You're a Peculiar, Jill

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You're a Peculiar, Jill."

"Peculiar?"

"That's how we call our kind."

"Pwede ba kitang makausap?" naputol ang pagbabalik alaala ko nang gambalain niya ang pag-iisa ko rito sa malawak na bakuran ng Villa Barbara. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap dito gayong napakaaga pa. Tumango lang ako bilang pagtugon at muli kong ibinalik ang tingin sa magandang tanawin. Ineexpect kong uupo siya sa tabi ko o pupunta siya sa harapan ko na palagi niyang ginagawa pero nanatili lang siyang nakatayo sa may gilid.

"Hindi porket ayos na ang buong klase natin, okay na rin tayong dalawa, Jill." Umpisa niya. Ano pa nga bang aasahan ko sa'yo Lily? "Iyon lang naman ang gusto kong sabihin sa'yo, gusto ko lang ipaalala." Bago siya tuluyang maakalis ay nagsalita ako,

"Salamat." Alam kong napahinto siya sa sinabi ko at napatingin ulit sa'kin, kitang-kita sa sulok ng mata ko.

"P-para saan naman?" mataray niyang tanong.

"Dahil mas pinili mo akong iligtas noon." Noong gabing pinili niya ako kaysa kay Ireneo. Hindi ko na sigguro kailangan pang malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa yon, kahit na gusto kong itanong. Umismid lang siya at natulala saglit.

"I-isipin mo na lang na ginawa ko lang ang papel ko bilang half-sister mo." Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating, "Nakakairita ka sa totoo lang." napangiti ako sa sinabi niya, music to my ears kumbaga, "Masyado ka kasing espesyal, Jill." Espesyal nga kung maituturing... espesyal... naiiba sa nakararami. Umalis na si Lily, naglaho na rin yung ngiti sa labi ko. Noong gabing sinabi nila na isa akong Peculiar, hindi ako makapaniwala na may tawag pala sa kakaibang tao katulad ko... Peculiar...

"Isa rin akong Peculiar, Jill. Katulad mo may mga nakikita rin ako sa mga mata ng ibang tao, pero hindi hinaharap kundi mga nakaraan nila. Sana naiintindihan mo ako." Hindi ako ganon katanga para hindi maintindihan ang sinabi ni Morris sa'kin. Kung ganon... Kaya pala noong hinawakan niya ako napanuod ko sa isip ko yung mga nangyari noon kay Aya... at kaya pala sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya... wala akong ibang makita kundi ang nakaraan.

"Paano mo nalaman na nakikita ko ang-..."

"Matagal ko ng alam, Jill. Kahit si Lucille alam niya rin..."

"She's a Peculiar too." Sabi ni miss na ikinabigla ko.

"Si Lucille?" sobrang naguguluhan ako sa mga nalalaman ko, "Teka! Hindi ko pa rin kayo maintindihan!"

"Jill..." pero pinigilan ni miss Karen si Morris sa kung anong gusto nitong sabihin, tumingin sa'kin  si miss Karen ng hindi nagbabago ang ekspresyon, walang bahid ng kahit anong emosyon, blangko.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon