/36/ The Newcomer

368K 11.5K 2.5K
                                    

Memoire

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Memoire.

Hindi ko alam kung anong klaseng asosasyon sila. Parang unti-unti nang nagdudugtong-dugtong sa isip ko ang bawat piraso ng mga misteryo  dahil sa mga natutuklasan ko. Hawak ko pa rin yung kupas na larawan ni miss Karen, ibig sabihin... kabilang siya sa asosasyong 'to? Kabilang siya sa nagpadakip sa'kin? Hindi kaya siya rin yung unknown caller na tumatawag sa'kin noon? Biglang nagbalik aalala sa isp ko yung pangyayaring nakita namin siya nila Baldo sa class room, yung panahong tumawag yung caller. Ibig sabihin ba... siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to? Pero... kitang-kita sa mga larawan na pinadala sa'kin na ako mismo yung may kagagawan ng blog. Anong purpose ng lahat ng yon? Para saan? Nakakalito. Nakakabaliw isipin.

Kailangan ko munang makatakas dito. Ibinalik ko ulit sa envelope lahat ng mga hinalungkat kong papeles,  kinuha ko yon at isinilid sa bag ko, hindi ko alam kung anong sumanib sa'kin para iuwi yon, malakas kasi yung kutob ko na makakatulong sa'kin yung mga archives na yon  sa'kin... sa pag-iimbestiga ko. Sa ngayon, kailangan kong makaalis hangga't maaga. Nabigo akong makahanap ng lubid...  Wala akong ibang choice kundi gamitin yung kumot at bed sheet ng kama, kinuha ko yon at pinagdugtong. Mahaba na siguro to para makababa ako. Nakalock yung bintana kaya wala akong ibang choice kundi basagin 'to. Pinagdasal ko na sana wag nilang marinig yung ingay, kaya buong lakas kong binasag yung bintana gamit ang isang bangko. Tinanggal ko muna yung mga natirang basag na salamin sa gilid-gilid dahil baka masugatan ako. Hindi na ko nag-aksaya ng oras at ginamit ko yung mga tela para makababa.

Nasa kalagitnaan pa lang ako nang bumigay na yung pinagkakapitan ng tela, bumagsak ako sa lupa at ramdam ko yung matinding kirot sa katawan ko. Ang mahalaga, nakaalis na 'ko sa silid na 'yon bago pa man makarating kung sino man yung boss nila. Bumangon ako, tsaka ko lang nakita kung saan nila ko dinala, isa 'tong di pangkaraniwang mansion, gothic ang tema ng exterior, nakakatakot, gloomy. Hindi ko rin alam kung saang lugar 'to, parang nasa kalagitnaan ng kagubatan na hindi mo mawari, dahil sa dami ng mga punongkahoy at iba't ibang nagsisitaasang halaman, masasabi kong parang vampire's haven ang lugar na 'to.

Takbo. Iyan ang ginawa ko matapos magsink-in sa utak ko lahat-lahat. Pero sa kinamalas-malasan nga naman, nakita nila ko at hinahabol. Hindi ako lumilingon at patuloy lang ako sa pagtakbo, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta! Saan ako makakalabas?! Paulit-ulit akong napapabulong ng mura dahil kahit di ako lumilingon alam kong marami sila. Sht. Natanaw ko yung gate, nabuhayan ako ng loob.  Pero papasara na yon! Mas binilisan ko yung takbo, binigay ko na lahat-lahat ng bilis at bago pa man yon tuluyang sumara ay nakalabas na ko.

Hindi pa ko tuluyang nakakatakas dahil andyan lang sila at kayang-kaya pa rin akong maabutan, kaya kahit hindi ko  alam kung saan yung daan pauwi ay tumakbo lang ako sa gitna ng kalsada. Napatigil ako nang may humintong motorsiklo sa harapan ko.

"Jill, sakay!"

"E-enriquez? Paano-"

"Sumakay ka na lang!" hindi na ko umimik at umangkas. Mabilis niyang pinaharurot yung motor at automatic naman akong napayakap sa kanya dahil sa bilis, kasabay ng paghingal ko at pagkabog ng malakas ng aking dibdib. Later... I found myself crying on his shoulder. Hindi dapat ako umiiyak pero hinayaan ko na lang yung sarili ko. Kung hindi siya dumating hindi ko alam kung ano na yung nangyari sa'kin... but he came.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon