/38/ Brainwashed

307K 10.2K 1.6K
                                    


"STOP following me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"STOP following me." Singhal bigla sakin ni Morris, pareho kaming napatigil sa paglalakad kasabay nang pag-ugong ng malakas na bulungan mula sa mga tao sa paligid namin. Great. Kaunti na lang at mauubos na talaga ang pasensya ko sa kanya. There is definitely something wrong with him. Simula nang dumating siya sa class room kahapon matapos niyang hindi pumasok ng klase. Sasalubungin ko sana siya pero naunahan ako ni Lily. He looked well except his eyes...

"Hindi naman kita susundan kung hindi ka lang parating naglalakad paalis kapag kakausapin kita. Ano bang problema mo?" kinokontrol ko yung boses ko dahil may mga tao lang na nanunuod sa paligid namin, nakarating lang naman kami ng cafeteria dahil sa kaartehan ng lalaking to. I approached him a while ago at heto bigla-bigla na lang siyang umiwas at naglakad palayo. What the hell.

"Wala akong problema. Ikaw, ano bang problema mo?" nainis ako sa pagbalik tanong niya sakin ng tanong ko. Napapikit ako saglit at huminga ng malalim, hindi pa naman sagad ang pasensya ko pero malapit na. Hindi na lang ako nagsalita, hinablot ko yung braso niya at hinila siya sa papalayo ng cafeteria dahil mas mauubos ang pasensya ko sa naririnig ko sa mga taong nakapaligid sa'min.

"Hey, diba mag-on sila dati?"   "Yeah, that was two years ago. Pero nagbreak kaagad sila."  "Alam mo ba after nilang magbreak dun naging cold heartbreaker yang si Morie."  "Anong issue ngayon sa kanila? Diba may girlfriend na yung guy?"   "What's new? Malandi yang heartbreaker na yan. Remember how he broke Matthew's and Errol's heart?" 

 "Get off!" mas malakas siya kaya napabitaw kagad ako sa braso niya at akma na naman siyang aalis pero hinarangan ko siya.

"Alam naman natin yung issue ngayon diba?! Ano bang nangyayari sa'yo?!" niyuyugyog ko na siya pero tinabig niya lang yung dalawang braso ko. Sinisigawan ko na siya dahil sa sobrang inis, mabuti na lang at dito ko siya sa labas ng building nahila at walang ibang tao ang nakakakita sa'min, huminga ulit ako ng malalim at pinilit pakalmahin ang sarili, walang matutulong ang init ng ulo sa ganitong sitwasyon, "Tungkol kay Caleb Perez, Morris. Alam kong alam mo na hindi siya pangkaraniwang tao, katulad natin siya diba? Kailangan ko ng tulong mo." Pagsususumamo ko sa kanya, saglit lang niya kong tiningnan, walang ka-emoemosyon ang itsura niya, tsaka siya nag-iwas ng tingin.

"Jill, you're being paranoid." Tinapik niya ko at akma na namang aalis pero hinawakan ko siya sa kamay niya, nakatalikod pa rin siya sa'kin. Naisip ko bigla... Kung hindi ba... kung hindi ba nakuha ni Ireneo yung sulat noon... kami pa rin ba hanggang ngayon? Kung hindi ba nangyari 'yon noon... hawak ko pa rin ba yung kamay niya ngayon? Oo, hawak ko nga yung kamay niya ngayon, pero hindi niya naman ako magawang hawakan pabalik. "Please, wag mo na kong guluhin." Sa sinabi niya, binitiwan ko yung kamay niya. Tinitigan ko yung mga mata niya. Wala. Wala akong makita. Wala akong makitang nakaraan. Nasaan na? Nasaan na lahat ng sinabi niya sa'kin noon?

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon