Chapter 30: GE;GE√ There is No Hunter

1.3K 54 35
                                    

A/N: For more info and announcements you would like to know, you can checked out my message board. Thank you!

Chapter 30: GE;GE√ There is No Hunter

CLAIRA'S POV

NAKA-CROSSED arms ako habang nakatingin kay Science. Sapo-sapo nito ang kaliwang pisngi kung saan natsambahan ko siyang nasuntok kanina. Ang kingina, ang galing umilag! Ang liksi pa! Tsk!

This guy is really good on pissing me off! Nanlalagkit pa rin ako ngunit hindi ko siya nilulubayan nang masamang tingin. Nakaluhod siya ngayon habang may dalawang plato sa magkabila niyang tuhod na may sandamakmak na asin. Huh! Buti nga at naka-pants siya. Swerte nang gago.

So ang ending, parang wala lang rin ang parusa ko sa kanya.

"Can I stand up now?" Nakalabing aniya. Kinurap-kurap niya pa ang kanyang mata at nagpapaawa na tumingin sa'kin. Ngunit hindi ako natinag sa parang unggoy na itsura niya, inismiran ko siya at inikut ang paningin sa buong fifth floor. Hindi ko kaya ang lagkit ng katawan ko.

"Hoy! Nasan 'yung cr niyo dito?" Mataray ko'ng tanong. Bukod kasi sa sala at sa kusina nila sa gilid ay 'yung walo'ng pinto lang ang nandidito sa fifth floor. Tiim-bagang ko'ng sinipat muli ang damit ko. Mangiyak-ngiyak siya'ng nag-angat ng tingin sa'kin at nakangusong pinagtuturo ang walo'ng kwarto. Napaface-palm nalang ako.

"Lahat ng rooms may cr. Mamili ka nalang!" Parang aping-api na aniya.

Pinandilatan ko siya ng makitang lumaylay ang hawak niya sa dalawang tray sa magkabila niya'ng kamay. Wala kasi ako'ng nakitang mga libro. Paniguradong meron sa kwarto ni Kyle, pero di naman ako tanga para mang-tresspass noh! Kaya ayan, may tray sa magkabila niya'ng kamay habang may dalawang baso na puno ng tubig.

Napangiwi ako nang mag-flex na naman ang mga maskels niya sa braso nang muli niya'ng inangat ang kanya'ng magkabilang kamay.

Gandang lalaki, utak mongoloid. Eww!

"... ay oo nga pala! May kwarto ka diyan-diyan! May cr din dun. Doon ka nalang. " Nakaiwas na tingin na aniya. Napaismid ako. Wala naman kasi ako'ng choice. Tangina! Walong kwarto. Pito ay inuukupa ng puro mga lalaki. Tapos ang isa naman ay para sa babae. Sino'ng hindi mga siraulo nun?!

Padabog ako'ng nagpunta doon sa huling pinto. Pinandilatan ko pa muna si Science at sinenyasan na huwag na huwag ibababa ang kamay at umalis sa pagkakaluhod kundi patay siya sa'kin. Naka-nguso siya'ng umirap sa'kin. Kaya napangisi ako. Wala siya'ng magagawa, kung hindi pa naman siya gago ay hindi niya mararansan ito.

Pinihit ko ang pinto at agad pumasok. Bumungad sa akin ang isang simpleng kwarto. May kama na kasya ang dalawang tao, brown na cabinet sa gilid, dalawang side table sa magkabilang gilid ng kama at isang maliit na color blue set sofa. I didn't bother to look more and went to the other door inside this room.

Mabilis ako'ng naglinis nang katawan at mabilis din ang bibig ko sa pagmumura kay Science! Napatili pa ako sa inis ng mabasa ang damit ko. Bwisit! My eyes squinted a bit while I'm doing my hair into a ponytail. Tumagaktak pa ang pawis ko sa init.

Paglabas ko sa cr ay agad sumunod ang malakas na kalabog sa pinto nito. Suminghap ako at dali-daling pumunta sa harapan ng cabinet para magsalamin. May nakadikit kasi'ng whole body mirror sa pinto ng cabinet.

I stomped my feet because of irritation when I saw my face and shirt. Hindi natanggal sa damit ko ang mantsa ng chocolate. Bwisit talaga ang isip-batang yun! Binuksan ko ang cabinet at nagbabakasakaling may kung ano'ng damit doon at hindi naman ako nabigo. My eyebrows lift up when a set of clothes with the same color;blue, came to my sight.

Gangster Empress:Gangster Evolution (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now