Chapter 22: GE;GE√ Empress Challenge III (SKILL CATEGORY I)

1.6K 78 25
                                    

WARNING: Nag fi-feeling bright sa math ako dito at iba pa, wag niyo na lang pansinin, minsan lang yan.

May nagsabing putol-putol daw, refresh mo lang po or kung putol pa rin ay i-delete mo muna tsaka mo i-add ulit. Okies?

NOTE: I REALLY DID SOME MINOR CHANGES IN THE PREVIOUS CHAPTERS. MINOR LANG NAMAN! EXAMPLE IS YUNG SA CHAPTER ONE, AND THEN CLAIRA'S PERSONAL INFORMATION! HINDI NAMAN NAGULO O NAKAKALITO BASAHIN, MAS NAGING MALINAW NGA LANG. AND THEN SA CHAPTER 8, ENTITLED TROUBLE, YUNG FLASHBACK SCENE AY INIBA KO. IT FEELS OFF KASI NUNG BINACK READ KO NA MAY EX NA SI CHEMISTRY, GAYA NG PLANO KO PERO HINDI NATULOY KASI ANG BATA PA NIYA, AND SHE LIVED HALF OF HER AGE SA AMERICA, SURROUNDED WITH HER FAMILY AND FRIENDS SO I SUPPOSED THAT DURING THAT TIME, SHE'S BUSY AND TOO YOUNG TO HAVE A BOYFRIEND! So yun lang! MINOR LANG TALAGA!


Chapter 22: GE;GE√ Empress Challenge III (SKILL CATEGORY I)

CLAIRA'S POV

"HOW CAN I answer the equation, if the equation itself was wrong?" I said in to my laziest voice.

Kung alam niyo lang kung anong klaseng pagpipigil ang ginawa ko para huwag patulan ang mga kutong lupa na yun na nagtsitsismisan tungkol sa'kin.

I heard them gasps. Inilibot ko ang paningin at nakitang nakanganga silang lahat sa'kin. Nanlalaking mata at itsurang hindi makapaniwala. Parang naging ghost town ang buong gym at kulang nalang ay may nakabilog na mga sanga ang tumawid, tangay ng hangin.

Wala sa sariling napasimangot ako at tinitigan ang white board na nasa harap. Pare-pareho lang naman ang equation na ibinigay sa amin. Pero bakit hindi nila makita ang mali?

Nangawit na nga ako kakatayo dito ng pesteng bente minuto dahil nirespeto ko ang oras na ibinigay nila. Hindi rin ako nag-ingay kahit kating-kati na akong magreklamo dahil sa isang tingin ko palang sa equation ay cannot be na ang sagot nito. Kung pipilitin naman ay lalawak at maraming klaseng formula ang maaaring gamitin para makuha ang positive na answer. Ah ewan! Basta mali siya!

Nang tingnan ko ang dalawang emcee sa magkabilang gilid ko ay malawak ang ngisi ng mga ito sa akin. Halatang may alam.

"Okay. Thanks for answering Ms. Francisco." The girl in my left said with enthusiasm. Nang magsalita siya ay agad umugong ang bulungan na para bang nagising sila sa isang ilusyon. Sari-saring komento ang narinig ko at kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanilang mga mukha. Pero hindi lahat namangha.

"Shit! Totoo ba yung sinasabi niya?"

"Baka imbento lang niya yun para hindi siya mapahiya."

"Mali ba talaga yung equation?"

"Paano nangyari yun?"

Hindi ko nalang sila pinansin. I move my eyes and took a glance on Amarie and Garet's direction. They gave me a thump's up and we're so proud of you look. I even heard how Amarie curse  the students who insult me earlier and how Garet boast how intelligent I am. I tsked and shook my head lightly.

Paglingon ko sa ibang direksyon ay nahagip ng paningin ko ang pag-irap at masasamang tingin ng magkapatid. Sino pa ba, e sina Andreaustitute at Sheilalay. Inismiran ko lang sila. Tss.

Pagtingin ko sa harap ay nagtama ang paningin namin ni Science. Nakanganga ito sa'kin. Kulang nalang ay pasukan ng langaw ang bunganga niya, pagnagkataon, kawawang bata. Nginisihan ko siya.

Pagtingin ko rin sa mga kaibigan niya ay hindi makapaniwala ang mga tingin ng mga ito sa'kin. Naniningkit ang mga mata sa'kin ni Kyle samantalang ngingisi-ngisi naman si Cairo. Si Louis ay halos lumuwa na ang mga mata sa gulat.

Gangster Empress:Gangster Evolution (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now